18 At nangyari nang si Jesus ay nananalanging mag-isa, ang kaniyang mga alagad ay kasama niya at sila ay tinanong niya na sinasabi, “Ayon sa sinasabi ng napakaraming tao, sino raw ako?”19 Sila ay sumagot na sinabi, “Si Juan na tagapagbawtismo, ngunit ang iba ay nagsasabi, si Elias, at ang iba ay nagsasabi na ikaw ay isa sa mga propeta ng unang panahon na nabuhay muli.”20 Ngunit sinabi niya sa kanila, “Subalit sa inyong sinasabi, sino ako?” At sumagot si Pedro na sinabi, “Ang Cristo ng Diyos.”21 At sila ay mahigpit niyang pinagbilinan at inutusang huwag itong sabihin sa kaninuman,
Mark 8
27 Si Jesus at ang kaniyang mga alagad ay umalis patungo sa mga nayon ng Cesarea sa Filipos at habang sila ay nasa daan, tinanong sila ni Jesus na sinasabi, “Sino raw ako, ayon sa sinasabi ng mga tao?”28 At sila ay sumagot, “Si Juan na tagapagbawtismo, at ang sabi ng iba, si Elias, ngunit ang sabi ng iba, isa sa mga propeta.”29 At sinabi niya sa kanila, “Ngunit ayon sa inyo, sino naman ako?” Sumagot si Pedro at sinabi sa kaniya, “Ikaw ang Cristo.”30 At sila ay pinagbawalan ni Jesus na huwag nilang masabi sa kaninuman ang patungkol sa kaniya.
Matthew 16
13 At nang nakarating si Jesus sa mga lupain ng Cesarea Filipos, tinanong niya ang kaniyang mga alagad, na sinasabi, “Sino ako na Anak ng Tao ayon sa sinasabi ng mga tao?”14 At sinabi nila, “Ang ilan: si Juan na tagapagbawtismo, sa iba si Elias, sa mga iba pa si Jeremias o isa sa mga propeta.”15 Sinabi niya sa kanila, “Ngunit kayo, sino ako ayon sa sinasabi ninyo?”16 At sumagot si Simon Pedro at sinabi, “Ikaw ang Cristo, ang Anak ng Diyos na buhay.”17 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Pinagpala ka, Simon na anak ni Jonas, sapagkat hindi ito ipinahayag sa iyo ng laman at ng dugo kundi ng aking Ama na siyang nasa langit.18 At ako naman ang nagsasabi sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesiya at ang mga tarangkahan ng Hades ay hindi mananaig laban sa kaniya.19 At ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng paghahari ng langit. At kung anuman ang iyong talian sa lupa ay natalian na sa langit at kung anuman ang iyong kalagan sa lupa ay nakalagan na sa langit.”20 Pagkatapos nito ay kaniyang pinagbilinan ang kaniyang mga alagad na huwag nilang sasabihin kahit kaninuman na siya ay si Jesus, ang Cristo.