10 At nangyari na pagkaraan ng pitong araw, na ang tubig ng baha ay umapaw sa ibabaw ng lupa.
Genesis 7
11 Sa ikaanim na raang taon ng buhay ni Noe, nang ikalawang buwan, sa ikalabing pitong araw ng buwan, nang araw ding yaon, ay nangasira ang lahat ng bukal ng lubhang kalaliman, at ang mga durungawan ng langit ay nabuksan.
Genesis 7
12 At umulan sa ibabaw ng lupa ng apat na pung araw at apat na pung gabi.
Genesis 7
17 At tumagal ang baha ng apat na pung araw sa ibabaw ng lupa; at lumaki ang tubig at lumutang ang sasakyan, at nataas sa ibabaw ng lupa.
Genesis 7
18 At dumagsa ang tubig at lumaking mainam sa ibabaw ng lupa; at lumutang ang sasakyan sa ibabaw ng tubig.
Genesis 7
19 At dumagsang lubha ang tubig sa ibabaw ng lupa: at inapawan ang lahat na mataas na bundok na nasa silong ng buong langit.
Genesis 7
20 Labing limang siko ang lalim na idinagsa ng tubig; at inapawan ang mga bundok.
Genesis 7
21 At namatay ang lahat ng lamang gumagalaw sa ibabaw ng lupa, ang mga ibon at gayon din ang hayop, at ang hayop gubat, at ang bawa't nagsisiusad na umuusad sa ibabaw ng lupa, at ang bawa't tao.
Genesis 7
23 At nilipol ang bawa't may buhay na nasa ibabaw ng lupa, ang tao at gayon din ang hayop, at ang mga umuusad at ang mga ibon sa himpapawid; at sila'y nalipol sa lupa: at ang natira lamang, ay si Noe at ang mga kasama niya sa sasakyan.
Genesis 7
24 At tumagal ang tubig sa ibabaw ng lupa, ng isang daan at limang pung araw.
Luke 17
26 At kagaya ng nangyari sa mga araw ni Noe, magiging gayundin sa mga araw ng Anak ng Tao.
Luke 17
27 Sila ay kumakain, sila ay umiinom, sila ay nag-aasawa at sila ay ipinapakasal hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong at dumating ang baha at silang lahat ay napahamak.
Matthew 24
37 Subalit katulad sa mga araw ni Noe ay gayundin ang pagdating ng Anak ng Tao
Matthew 24
38 sapagkat katulad ng mga araw bago ang baha, sila ay kumakain at umiinom, sila ay nag-aasawa at ipinapakasal hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong
Matthew 24
39 at hindi nila ito nalaman hanggang sa dumating ang baha at tinangay silang lahat. Gayundin ang mangyayari sa pagdating ng Anak ng Tao.