Suuri kutsu
| Secondary Keywords | dakila imbitasyon Jeesus Jeesus kasal pahimakas pyesta salu-salo Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Luke 1415 At nang ang mga bagay na ito ay narinig ng isa sa mga kasama niyang nakadulog sa hapag, sinabi niya kay Jesus, “Pinagpala siya na kakain ng tinapay sa kaharian ng Diyos.” 16 Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya, “May isang lalaki na naghanda ng malaking hapunan at nag-anyaya ng marami. 17 At sa oras ng hapunan ay sinugo niya ang kaniyang lalaking alipin upang magsabi sa mga inaanyayahan, ‘Halina kayo, sapagkat nakahanda na ang lahat.’ 18 Ngunit nagkaisa ang lahat na magsimulang magdahilan. Ang una ay nagsabi sa kaniya, ‘Bumili ako ng isang bukid at kailangan na aking puntahan at ito ay tingnan. Ipinakikiusap ko sa iyo, ipagpaumanhin mo ako.’ 19 Ang isa naman ay nagsabi, ‘Bumili ako ng limang pares na baka at ako ay pupunta upang subukan sila. Ipinakikiusap ko sa iyo, ipagpaumanhin mo ako.’ 20 Ang isa rin ay nagsabi, ‘Nagpakasal ako sa isang babae at dahil dito, hindi ko magawang pumunta.’ 21 At nang dumating ang aliping iyon, ibinalita niya sa kaniyang panginoon ang mga bagay na ito. Kaya sa labis na galit, ang may-ari ng sambahayan ay nagsabi sa kaniyang lalaking alipin, ‘Pumunta ka kaagad sa mga lansangan at sa mga makitid na daan ng lungsod, at dalhin mo rito ang mga dukha, ang mga lumpo, ang mga pilay at ang mga bulag.’ 22 Sinabi naman ng alipin, ‘Panginoon, nagawa na ang ayon sa iniutos mo, ngunit mayroon pang lugar.’ 23 Ngunit sinabi ng panginoon sa alipin, ‘Pumunta ka sa mga daan at sa mga hangganang bakod, at pilitin mo sila na pumasok upang mapuno ang aking bahay, 24 sapagkat sinasabi ko sa inyo na wala kahit isa sa mga lalaking iyon na naanyayahan ang makakatikim ng aking hapunan.’ ” Matthew 221 At si Jesus ay muling sumagot at nagsalita sa kanila sa pamamagitan ng mga talinghaga na sinasabi, 2 “Ang paghahari ng langit ay inihalintulad sa tao, sa isang hari, na gumawa ng piging ng kasalan para sa kaniyang anak na lalaki. 3 At isinugo niya ang kaniyang mga alipin upang tawagin ang mga naanyayahan para sa piging ng kasalan, ngunit ayaw nilang pumunta. 4 Muli, siya ay nagsugo ng ibang mga alipin na sinasabi, ‘Sabihin ninyo sa mga naanyayahan, “Narito, ang aking piging ay inihanda ko na. Ang aking mga toro at mga pinatabang baka ay kinatay na at handa na ang lahat. Halina na kayo sa piging ng kasalan.” ’ 5 Ngunit sila na hindi nagpahalaga ay umalis, ang isa nga ay patungo sa kaniyang bukid at ang isa ay patungo sa kaniyang kalakal. 6 Ngunit hinuli ng mga naiwan ang kaniyang mga alipin at sila ay inalipusta at sila ay pinatay. 7 Subalit nang narinig ito ng hari, siya ay labis na nagalit at isinugo niya ang kaniyang mga hukbo at pinuksa nila ang mga mamamatay taong iyon at sinunog ang kanilang lungsod. 8 Pagkatapos, sinabi niya sa kaniyang mga alipin, ‘Ang piging ng kasalan ay talagang handa na, ngunit ang mga naanyayahan ay hindi karapat-dapat. 9 Kaya pumunta kayo sa mga lagusan ng mga daan at gaano man karami ang inyong matagpuan ay anyayahan ninyo sa piging ng kasalan.’ 10 Kaya lumabas ang mga aliping iyon sa mga daan at kanilang tinipon ang lahat gaano man karami ang kanilang natagpuan, kapwa ang mga masama at ang mga mabuti. At ang kasalan ay napuno ng mga panauhin. 11 “Ngunit nang pumasok ang hari upang tingnan ang mga panauhin, siya ay nakakita ng isang lalaki roon na hindi nakasuot ng damit para sa kasalan. 12 At sinabi niya sa kaniya, ‘Kaibigan, papaano ka nakapasok dito na hindi nakasuot ng damit para sa kasalan?’ Ngunit siya ay nanahimik. 13 Kaya sinabi ng hari sa mga tagapaglingkod, ‘Igapos ninyo ang kaniyang mga paa at mga kamay at siya ay dalhin ninyo at itapon sa kadilimang nasa labas. Doon ay magkakaroon ng pananangis at pagngangalit ng mga ngipin.’ 14 “Sapagkat marami ang tinawag ngunit kaunti ang pinili.” |








