28 At nang ang isa sa mga eskriba ay dumating at narinig niya ang kanilang pagtatanong, nabatid niya na sumagot nang mahusay si Jesus sa kanila, siya ay nagtanong kay Jesus, “Alin ang pangunahin sa lahat ng mga utos?”29 At sumagot si Jesus sa kaniya, “Ang pangunahin sa lahat ng mga utos ay ito, ‘Makinig ka Israel, ang ating Panginoong Diyos ay isang Panginoon.30 At iibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo at nang buong kaluluwa mo at nang buong pag-iisip mo at nang buong lakas mo.’ Deu 6:4-5 Ito ang unang utos.31 At ang ikalawa ay katulad nito, ‘Ibigin mo ang iyong kapwa tao katulad sa iyong sarili.’ Lev 19:18 Wala nang ibang utos ang hihigit sa mga ito.”32 At sinabi sa kaniya ng eskriba, “Mahusay, Guro. Ang iyong sinabi ay katotohanan, na isa ang Diyos at ‘wala nang iba maliban sa kaniya.’ Deu 4:3533 At ang ibigin siya nang buong puso at nang buong pang-unawa at nang buong kaluluwa at nang buong lakas, at ang ibigin ang kapwa tao katulad sa sarili, ito ay higit sa lahat ng mga handog na susunugin at mga hain.”34 At nang nakita ni Jesus na siya ay sumagot nang may katalinuhan, sinabi niya sa kaniya, “Hindi ka malayo sa paghahari ng Diyos.” Mula noon, wala nang naglakas-loob na magtanong sa kaniya.