17 At sumagot ang isa mula sa napakaraming tao na sinabi, “Guro, dinala ko sa iyo ang aking anak na may piping espiritu.18 At kahit saan siya masunggaban nito, siya ay ibinabalibag nito, at bumubula ang kaniyang bibig at nagngangalit ang kaniyang mga ngipin at siya ay nanunuyot. At nagsabi ako sa iyong mga alagad na palayasin nila ang espiritu ngunit wala silang kakayahan.”19 Ngunit nang sumagot si Jesus sa kaniya ay kaniyang sinabi, “O lahing walang pananampalataya, hanggang kailan ako mananatiling kasama ninyo? Hanggang kailan ako magtitiis sa inyo? Dalhin ninyo siya sa akin.”