6 Nang siya ay nakita ni Jesus na nakahiga at alam niya na matagal nang panahong siya ay may kapansanan, sinabi niya sa kaniya, “Nais mo bang gumaling?”7 Sumagot sa kaniya ang may kapansanan, “Ginoo, walang taong magdadala sa akin sa malaking paliguan sa tuwing mapapagalaw ang tubig. At habang ako ay papunta, lumulusong na ang ibang nauuna sa akin.”8 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Bumangon ka, dalhin mo ang iyong higaan at lumakad ka.”