11 At nakita ko ang isa pang mabangis na hayop na umahon mula sa lupa, at ito ay may dalawang sungay katulad ng isang kordero, ngunit ito ay nagsasalita katulad ng isang dragon.12 At ang lahat ng kapamahalaan ng unang mabangis na hayop ay ginagamit niya sa harapan nito, at ginagawa niya na ang daigdig at yaong mga naninirahan dito, na kanilang sambahin ang unang mabangis na hayop na ang nakakamatay na sugat ay napagaling.13 At ang ikalawang mabangis na hayop ay gumawa ng mga dakilang tanda upang magawa niyang magpababa rin ng apoy mula sa langit patungo sa lupa sa harapan ng mga tao.