Lampunjalka
| Secondary Keywords | banal na lugar ekklesia ginintuan ilang ilawan santuwaryo tabernakulo |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Exodus 2531 At gagawa ka ng isang kandelerong taganas na ginto: yari sa pamukpok gagawin mo ang kandelero, ang tuntungan niyaon, at ang haligi niyaon; ang mga kopa niyaon, ang mga globito niyaon at ang mga bulaklak niyaon ay mga kaputol: 32 At magkakaroon ng anim na sangang lumalabas sa mga tagiliran niyaon; tatlong sanga ng kandelero'y sa isang tagiliran niyaon, at ang tatlong sanga ng kandelero ay sa kabilang tagiliran niyaon: 33 At magkakaroon ng tatlong kopang anyong bulaklak ng almendro sa isang sanga, isang globito at isang bulaklak; at tatlong kopang anyong bulaklak ng almendro sa kabilang sanga, isang globito at isang bulaklak; at gayon sa anim na sangang lumalabas sa kandelero. 34 At sa haligi ng kandelero'y magkakaroon ng apat na kopang anyong bulaklak ng almendro, sangpu ng mga globito niyaon, at ng mga bulaklak niyaon: 35 At magkakaroon ng isang globito sa ilalim ng dalawa sa mga sanga, at isang globito sa ilalim ng kabilang dalawa sa mga sanga na kaputol niyaon, at isang globito sa ilalim ng dalawang sangang nalalabi ayon sa anim na sanga na lumalabas sa kandelero. 36 Ang magiging mga globito at mga sanga niyaon ay kaputol: kabuoan niyaon ay isa lamang putol na yari sa pamukpok, na taganas na ginto. 37 At igagawa mo ng kaniyang mga ilawan, na pito: at kanilang sisindihan ang mga ilawan niyaon, upang lumiwanag sa dakong tapat ng kandelero. 38 At ang magiging mga gunting at mga pinggan niyaon ay taganas na ginto. 39 Isang talentong taganas na ginto gagawin, sangpu ng lahat ng kasangkapang ito. Exodus 3717 At kaniyang ginawa ang kandelero na taganas na ginto: niyari niya sa pamukpuk ang kandelero, ang tungtungan niyaon at ang haligi niyaon; ang mga kopa niyaon, ang mga globito niyaon, at ang mga bulaklak ay kaputol niyaon: 18 At may anim na sangang lumalabas sa dalawang tagiliran niyaon; tatlong sanga ng kandelero ay sa isang tagiliran, at tatlong sanga ng kandelero ay sa kabilang tagiliran: 19 Tatlong kopang anyong bulaklak ng almendro sa isang sanga, isang globito at isang bulaklak; at tatlong kopang anyong bulaklak ng almendro sa kabilang sanga, isang globito at isang bulaklak; gayon sa anim na sangang lumalabas sa kandelero. 20 At sa kandelero'y may apat na kopang anyong bulaklak ng almendro, sangpu ng mga globito niyaon, at ng mga bulaklak niyaon: 21 At may isang globito sa ilalim ng dalawa sa mga sanga na kaputol niyaon, at isang globito sa ilalim ng kabilang dalawa sa mga sanga na kaputol niyaon, at isang globito sa ilalim ng dalawang sanga na kaputol niyaon, sapagka't ang anim na sanga ay lumalabas doon. 22 Ang mga globito at ang mga sanga ay kaputol ng kandelero: ang kabuoa'y isa lamang putol na yari sa pamukpok, taganas na ginto. 23 At kaniyang ginawa ang mga ilawan niyaong pito, at ang mga pangipit niyaon, at ang mga pinggan niyaon, na taganas na ginto. Hebrews 91 Ngayon nga, kahit ang naunang tipan ay nagkaroon ng mga alituntunin sa pagsamba sa Diyos at panlupang banal na dako. 2 Sapagkat naitayo ang tabernakulo, ang tinatawag na banal na dako, kung saan ay nasa unang silid ang kandelero at ang mesa at ang mga tinapay na handog. 3 At sa likuran ng tabing ay ang ikalawang silid ng tabernakulo, ang tinatawag na Kabanal-banalang Dako 4 na mayroong isang gintong dambana ng insenso at kaban ng tipan na ang bawat bahagi ay nabalutan ng ginto, na kinaroroonan ng sisidlang ginto na ang nilalaman ay ang manna at ang umusbong na tungkod ni Aaron at ang mga tapyas na bato ng tipan, 5 at sa ibabaw nito ay mga kerubin ng kaluwalhatian na lumililim sa luklukan ng kaawaan, patungkol sa mga bagay na ito, sa ngayon ay hindi natin masabi nang isa-isa. 6 At nang naihanda ang mga bagay na ito sa ganitong paraan, ang mga saserdote nga ay palagi nang pumapasok sa unang silid ng tabernakulo sa pagsasagawa ng mga paglilingkod sa Diyos. 7 Ngunit ang pinakapunong saserdote lang ang pumapasok sa ikalawang silid minsan sa isang taon, na palaging may dalang dugo na kaniyang inihahandog alang-alang sa kaniyang sarili at sa mga nagawang kamalian ng bayan na hindi nila nalalaman. 8 Sa ganitong paraan ay ipinakita ng Banal na Espiritu na ang daang patungo sa banal na dako ay hindi pa naihayag habang nakatayo pa ang unang silid ng tabernakulo 9 na isang talinghaga para sa kasalukuyang panahon, kung saan ang mga kaloob at mga hain na inihahandog ay hindi makapagpaging-ganap ayon sa budhi ng isang naglilingkod sa Diyos, 10 na nakabatay lamang sa mga pagkain at sa mga inumin at sa iba't ibang paraan ng paghugas at sa mga alituntunin ng laman na ipinapatupad sa kanila hanggang sa panahon ng pagbabago. 11 Ngunit nang dumating si Cristo, na pinakapunong saserdote ng mabuting mga bagay na darating, sa pamamagitan ng lalong dakila at lalong ganap na tabernakulong hindi ginawa ng mga kamay na hindi bahagi ng sangnilikhang ito, 12 ni hindi sa pamamagitan ng dugo ng mga kambing at ng mga guya kundi sa pamamagitan ng kaniyang sariling dugo, siya ay pumasok nang minsanan sa banal na dako pagkatapos niyang ginanap ang walang hanggang katubusan para sa atin. 13 Dahil kung ang dugo ng mga toro at ng mga kambing at ang abo ng dumalagang baka na iwiniwisik sa mga nadungisan ay nagpapaging-banal sa ikalilinis ng laman, 14 gaano pa kayang higit na malilinis ng dugo ni Cristo, na siyang naghandog ng kaniyang sarili na walang kapintasan sa Diyos sa pamamagitan ng walang hanggang Espiritu, ang inyong budhi mula sa mga patay na gawa upang maglingkod sa Diyos na buhay. 15 At dahil dito, siya ang tagapamagitan ng bagong tipan upang sila na mga tinawag ay makatanggap ng pangako ng walang hanggang mana dahil sa kaganapan ng kaniyang kamatayan para sa katubusan ng mga lumabag sa unang tipan. 16 Sapagkat kung saan naroroon ang isang tipan, siya na gumawa ng tipan ay kinakailangang mamatay 17 dahil ang tipan ay may bisa pagkamatay ng mga tao yamang ito ay walang bisa habang nabubuhay pa ang taong gumawa ng tipan. 18 Kaya, kahit ang unang tipan ay hindi naitalaga na walang dugo. 19 Sapagkat nang naipahayag ni Moises sa buong bayan ang bawat tuntunin ayon sa kautusan, dinala niya ang dugo ng mga guya at ng mga kambing na may kahalong tubig at ng pulang balahibo ng tupa at sanga ng hisopo at winisikan niya mismo ang aklat ng Kasulatan at ang buong bayan, 20 na sinasabi, “Ito ang dugo ng tipan na iniutos ng Diyos para sa inyo.” Exo 24:8 21 Gayundin naman, winisikan niya ng dugo ang tabernakulo at lahat ng mga sisidlang ginagamit sa paglilingkod. 22 At ayon sa kautusan, halos ang lahat ng mga bagay ay nalilinis sa pamamagitan ng dugo at kung walang pagkabuhos ng dugo ay walang kapatawaran. 23 Kaya nga, ang mga halimbawa ng mga bagay sa kalangitan ay kailangang malinisan ng mga ito, ngunit ang mga makalangit na bagay mismo ay nililinis ng mga haing lalong mabuti kaysa sa mga ito. 24 Sapagkat si Cristo ay hindi pumasok sa banal na dako na ginawa ng mga kamay, na mga totoong larawan niyaong tunay, kundi sa langit mismo upang magpakita ngayon sa harapan ng Diyos alang-alang sa atin, 25 ni hindi upang ihandog niya ang kaniyang sarili nang madalas kung paanong ang pinakapunong saserdote ay pumapasok sa banal na dako sa bawat taon na may dalang dugo ng iba, 26 sapagkat kung gayon ay kinakailangang siya ay maghirap nang madalas mula sa pagkatatag ng sanlibutan. Ngunit ngayon ay minsan lamang siyang nagpakita sa katapusan ng kapanahunan para sa pagpawalang-saysay ng kasalanan sa pamamagitan ng paghahandog ng kaniyang sarili. 27 At kung paanong itinakda sa mga tao ang minsang mamatay at pagkatapos nito ay ang kahatulan, 28 sa gayunding paraan si Cristo na walang kasalanan, nang minsang inihandog upang batahin ang mga kasalanan ng marami sa ikalawang pagkakataon, ay magpapakita sa kanila na mga naghihintay na may pananabik sa kaniya para sa kaligtasan. Numbers 81 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 2 Salitain mo kay Aaron, at sabihin mo sa kaniya, Pagsisindi mo ng mga ilawan, ay iyong papagliliwanagin ang pitong ilawan sa harap ng kandelero. 3 At ginawang gayon ni Aaron: kaniyang sinindihan ang mga ilawan upang magliwanag sa harap ng kandelero, gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises. 4 At ito ang pagkayari ng kandelero, gintong niyari sa pamukpok; mula sa tungtungan niyaon hanggang sa mga bulaklak niyaon ay yari sa pamukpok: ayon sa anyo na ipinakita ng Panginoon kay Moises, ay gayon niya ginawa ang kandelero. Revelation 112 At ako ay lumingon upang kilalanin ang tinig na nagsalita sa akin. Sa aking paglingon ay nakita ko ang pitong gintong lalagyan ng ilawan, |








