23 Sapagkat tinanggap ko mula sa Panginoon ang siya ko namang ibinigay sa inyo. Dahil ang Panginoong Jesus, nang gabing siya ay ipinagkanulo, ay kumuha ng tinapay,24 at nang siya ay nakapagpasalamat, ito ay kaniyang pinagputul-putol, at sinabi, “Kunin ninyo, kainin ninyo, ito ang aking katawan na pinagputul-putol alang-alang sa inyo. Gawin ninyo ito para sa pag-alaala sa akin.”25 At sa gayunding paraan kinuha niya ang saro, pagkatapos makapaghapunan, na sinasabi, “Ang sarong ito ay ang bagong tipan sa aking dugo. Gawin ninyo ito para sa pag-alaala sa akin tuwing kayo ay iinom nito.”26 Sapagkat tuwing kayo ay kakain ng tinapay na ito at iinom sa sarong ito, inihahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon hanggang sa siya ay dumating.
Matthew 26
28 sapagkat ito ang aking dugo ng bagong tipan na nabubuhos para sa kapatawaran ng mga kasalanan ng marami.