18 At sinabi niya, “Pumunta kayo sa isang lalaki na nasa lungsod at sabihin ninyo sa kaniya, ‘Ang Guro ay nagsabi, “Ang aking nakatakdang oras ay malapit na. Gaganapin ko ang Paglagpas, kasama ang aking mga alagad, sa inyo.” ’ ”19 Kaya ginawa ng mga alagad ang ayon sa iniutos ni Jesus sa kanila at inihanda nila ang Paglagpas.20 Nang nagtakipsilim na, si Jesus ay dumulog sa hapag kasama ang labindalawa.