16 sapagkat ang Panginoon mismo ay bababa mula sa langit na may sigaw na nag-uutos, na may tinig ng pinunong-anghel at may trumpeta ng Diyos, at ang mga patay kay Cristo ay unang babangon.17 Gayundin, tayo na mga nananatiling buhay ay magkasabay na aagawin sa mga ulap na kasama nila para sa pagsalubong ng Panginoon sa hangin at sa gayong paraan ay makakasama natin ang Panginoon kailanman.
Hebrews 9
28 so Christ, having been offered once to bear the sins of many, will appear a second time, not to deal with sin but to save those who are eagerly waiting for him.
James 5
7 Kaya mga kapatid, magtiyaga kayo hanggang sa pagdating ng Panginoon. Narito, ang magsasaka ay naghihintay para sa mahalagang bunga ng lupa at pinagtitiyagaan niya ito hanggang sa matanggap niya ang una at ang huling ulan.
John 5
28 Huwag kayong mamangha sa bagay na ito sapagkat darating ang oras na ang lahat niyaong nasa mga libingan ay makakarinig ng kaniyang tinig,29 at sila na gumawa ng mabuti ay babangon patungo sa muling pagkabuhay sa buhay na walang hanggan, subalit sila na mga gumawa ng masama ay babangon patungo sa muling pagkabuhay sa kahatulan.
Matthew 24
30 At pagkatapos nito ay makikita ang tanda ng Anak ng Tao sa langit at pagkatapos ay mananaghoy ang lahat ng mga lipi ng daigdig at makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating sa mga ulap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.
Matthew 24
42 Kaya magbantay kayo sapagkat hindi ninyo alam kung anong oras darating ang inyong Panginoon.43 Ngunit nalalaman ninyo ito, na kung nalaman ng may-ari ng sambahayan ang oras ng pagbabantay ng pagdating ng magnanakaw, siya sana ay nagbantay at hindi niya sana pinabayaang mapasok ang kaniyang bahay.44 Kaya maging handa rin kayo sapagkat ang Anak ng Tao ay darating sa oras na hindi ninyo inaakala.