14 At nang dumating ang oras, si Jesus ay dumulog sa hapag at ang labindalawang apostol ay kasama niya.15 At sinabi niya sa kanila, “Buong paghahangad kong hinangad na kumain ng hapunang ito ng Paglagpas na kasama kayo bago sa aking paghihirap16 sapagkat sinasabi ko sa inyo na hindi na ako kakain nito kailanman hanggang sa maganap ito sa kaharian ng Diyos.”17 Kaya pagkatanggap niya ng saro, siya ay nagpasalamat at sinabi, “Kunin ninyo ito at paghati-hatian ninyo ito18 sapagkat sinasabi ko sa inyo na hindi na ako iinom mula sa bunga ng ubas kailanman hanggang sa dumating ang kaharian ng Diyos.”19 At pagkakuha niya ng tinapay, siya ay nagpasalamat at pinagputul-putol ito at ibinigay sa kanila na sinasabi, “Ito ang aking katawan na ibinigay alang-alang sa inyo. Gawin ninyo ito sa pag-alaala sa akin.”20 Sa gayunding paraan, kinuha niya ang saro pagkatapos na makapaghapunan, at sinabi, “Ang sarong ito ay ang bagong tipan sa aking dugo na ibinuhos alang-alang sa inyo.21 Subalit, narito, ang kamay niyaong magkakanulo sa akin ay kasama ko sa hapag.22 At tunay na ang Anak ng Tao ay humahayo ayon sa nakatakda na, ngunit kaabahan sa taong iyon na sa pamamagitan niya ay ipagkakanulo ang Anak ng Tao.”23 At sila ay nagsimulang magtanong sa isa't isa kung sino kaya sa kanila ang maaaring gumawa ng bagay na ito.