Kadonnut lammas
| Secondary Keywords | Jeesus Jeesus Lampaat nawala pahimakas Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Lucas 15:1-7 Matthew 18:12-14 |
Luke 151 Ngunit ang lahat na mga maniningil ng buwis at mga makasalanan ay lumalapit upang makinig sa kaniya.2 At ang mga Fariseo at mga eskriba ay nagbulung-bulungan na sinasabi, “Ang taong ito ay tumatanggap ng mga makasalanan at kumakaing kasama nila.”3 Ngunit isinalaysay ni Jesus ang talinghagang ito sa kanila na sinasabi,4 “Sino sa inyo ang lalaking may isandaang tupa at napahamak ang isa sa kanila na hindi iiwan ang siyamnapu't siyam sa ilang at aalis patungo sa napahamak na tupa hanggang sa matagpuan niya ito.5 At kapag natagpuan niya ito, papasanin niya ito sa kaniyang mga balikat, na nagagalak?6 At pagdating niya sa bahay, sama-sama niyang tatawagin ang kaniyang mga kaibigan at mga kapitbahay, na sinasabi sa kanila, ‘Makigalak kayo sa akin sapagkat natagpuan ko ang aking tupa na napahamak.’7 Sinasabi ko sa inyo na sa gayong paraan ay magkakaroon ng kagalakan sa langit sa isang makasalanang nagsisisi kaysa sa siyamnapu't siyam na matuwid na hindi nangangailangan ng pagsisisi. Matthew 1812 “Ano sa palagay ninyo? Kapag mangyari sa isang tao na may isandaang tupa at ang isa sa mga ito ay naligaw, hindi nga ba niya iiwanan ang siyamnapu't siyam at pumunta sa kabundukan na hinanap yaong naliligaw?13 Kapag mangyaring matagpuan niya ito, katotohanang sinasabi ko sa inyo, siya ay higit na nagagalak sa tupang iyon kaysa sa siyamnapu't siyam na hindi naligaw.14 Gayundin naman, hindi kalooban ng inyong Ama na nasa langit na mapahamak ang isa sa maliliit na ito. | |








