Rakastettu yksi
| Secondary Keywords | Elämää Huolellinen Jeesus Jeesus Josef koleksyon Maria Pasko sanggol |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Isaiah 9:6 Lucas 2:11-12 Lucas 2:16 Matthew 1:21 Matthew 1:23 Matthew 2:1 Matthew 2:11 |
Isaiah 96 Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan. Luke 211 sapagkat sa araw na ito sa lungsod ni David ay ipinanganak sa inyo ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo, ang Panginoon.12 At ito ang palatandaan sa inyo, matatagpuan ninyo ang sanggol na nakabalot na ng mahabang tela, na nakahiga sa sabsaban.” Luke 216 At sila ay nagmadaling pumaroon at kanilang natagpuan si Maria at si Jose, at ang sanggol na nakahiga sa sabsaban. Matthew 121 At siya ay manganganak ng isang lalaki at tatawagin mo ang kaniyang pangalan na Jesus sapagkat ililigtas niya ang kaniyang bayan mula sa kanilang mga kasalanan.” Matthew 123 “Narito, ang isang birhen ay magdadalang-tao at manganganak ng isang lalaki at tatawagin nila ang kaniyang pangalan na Emmanuel,” Isa 7:14 na ang kahulugan ay, “Kasama natin ang Diyos.” Isa 8:8, 10 Matthew 21 Nang ipinanganak si Jesus sa Bethlehem ng Judea sa kapanahunan ni haring Herodes, narito, may mga lalaking pantas na dumating sa Jerusalem mula sa silangan, Matthew 211 Pagkarating nila sa loob ng bahay, nakita nila ang bata kasama ng kaniyang inang si Maria. Sa kanilang pagpatirapa ay sinamba nila ang bata, at nang binuksan nila ang lalagyan ng kanilang mga kayamanan, sila ay naghandog sa kaniya ng mga kaloob na ginto at kamangyan at mira. | |








