Miracle Catch
| Secondary Keywords | Elämää himala isda James Juan koleksyon saluhin |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | John 21:3-6 Luke 5:4-7 Marcos 1:17 Matthew 4:19 |
John 213 Sinabi ni Simon Pedro sa kanila, “Aalis ako upang mangisda.” Sinabi nila sa kaniya, “Sasama rin kami sa iyo.” Lumabas sila at sumakay kaagad sa bangka ngunit wala silang nahuli nang gabing iyon.4 Subalit nang nag-uumaga na, si Jesus ay tumayo sa tabing-dagat, gayunpaman hindi nakilala ng mga alagad na iyon ay si Jesus.5 Kaya sinabi ni Jesus sa kanila, “Mga anak, wala ba kayong makakain?” Sumagot sila sa kaniya, “Wala.”6 At sinabi niya sa kanila, “Ihulog ninyo ang lambat sa bahaging kanan ng bangka at makakatagpo kayo.” Kaya inihulog nila ang lambat at hindi na nila ito kayang hilahin dahil sa dami ng isda. Luke 54 At pagkatapos niyang magsalita, sinabi niya kay Simon, “Pumaroon ka sa malalim at ihulog ninyo ang inyong mga lambat para makahuli ng mga isda.”5 At sumagot si Simon na sinabi, “Panginoon, sa magdamag na pagpapagal, wala kaming nahuli. Subalit sa iyong salita ay ihuhulog ko ang lambat.”6 Nang nagawa nila ito, sila ay nakahuli ng lubhang maraming isda at ang lambat nila ay napunit.7 Kaya kinawayan nila ang kanilang kasamahan sa ibang bangka na lumapit upang sila ay tumulong sa kanila. At sila ay lumapit at pinuno nila ang dalawang bangka kung kaya sila ay nagsimula nang lumubog. Mark 117 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao.” Matthew 419 Sinabi niya sa kanila, “Sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao.” | |








