Miraculous Catch
| Secondary Keywords | Andrew isda James Jeesus Jeesus Juan mapaghimala Peter puno saluhin |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | John 211 Pagkatapos ng mga bagay na ito, ipinakitang muli ni Jesus ang kaniyang sarili sa kaniyang mga alagad sa tabi ng dagat ng Tiberias, at sa ganitong paraan siya nagpakita: 2 Magkakasama si Simon Pedro, si Tomas na tinatawag na Didymus, si Natanael na taga-Cana ng Galilea, ang mga anak ni Zebedeo at dalawa pa sa kaniyang mga alagad. 3 Sinabi ni Simon Pedro sa kanila, “Aalis ako upang mangisda.” Sinabi nila sa kaniya, “Sasama rin kami sa iyo.” Lumabas sila at sumakay kaagad sa bangka ngunit wala silang nahuli nang gabing iyon. 4 Subalit nang nag-uumaga na, si Jesus ay tumayo sa tabing-dagat, gayunpaman hindi nakilala ng mga alagad na iyon ay si Jesus. 5 Kaya sinabi ni Jesus sa kanila, “Mga anak, wala ba kayong makakain?” Sumagot sila sa kaniya, “Wala.” 6 At sinabi niya sa kanila, “Ihulog ninyo ang lambat sa bahaging kanan ng bangka at makakatagpo kayo.” Kaya inihulog nila ang lambat at hindi na nila ito kayang hilahin dahil sa dami ng isda. 7 Kaya ang alagad na iyon na iniibig ni Jesus ay nagsabi kay Pedro, “Ang Panginoon iyon!” Nang narinig nga ni Simon Pedro na ang Panginoon iyon, isinuot niya ang kaniyang pang-ibabaw na damit (sapagkat siya ay nakahubad) at tumalon siya sa dagat. 8 Subalit ang ibang mga alagad na nakasakay sa maliit na bangka ay dumating na hila-hila ang lambat na may mga isda (sapagkat hindi sila gaanong malayo sa dalampasigan kundi halos dalawandaang siko lamang). 9 Kaya pagkababa nila sa dalampasigan, nakita nila ang nakalatag na nagbabagang mga uling at may nakapatong na isda at tinapay. 10 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Magdala kayo rito ng mga isda mula sa mga nahuli ninyo ngayon.” 11 Umahon si Simon Pedro at hinila niya sa dalampasigan ang lambat na puno ng malalaking isda na ang bilang ay isandaan at limampu't tatlo at kahit ganoon karami, hindi napunit ang lambat. 12 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Halina kayo at mag-agahan.” Subalit walang sinuman sa mga alagad ang naglakas-loob na magtanong sa kaniya, “Sino ka?” sapagkat alam nila na ang Panginoon iyon. 13 Kaya lumapit si Jesus, kinuha ang tinapay at ibinigay sa kanila, ganoon din ang ginawa niya sa isda. 14 Ito na ang pangatlong pagpapakita ni Jesus sa kaniyang mga alagad mula nang siya ay ibinangon mula sa mga patay. |








