23 sapagkat ang sinumang tagapakinig ng salita ngunit hindi tagatupad nito, siya ay katulad ng isang tao na pinagmamasdan ang kaniyang likas na mukha sa salamin24 sapagkat pinagmasdan niya ang kaniyang sarili pagkatapos siya ay umalis at kinalimutan kaagad kung anong uri ang pagkatao niya.25 Ngunit ang sinumang tumitingin sa ganap na kautusan ng kalayaan at nananatili rito, at siya ay hindi naging makakalimuting tagapakinig, sa halip siya ay tagapagsagawa ng gawain, ang taong ito ay pagpapalain sa kaniyang paggawa.