47 “Muli, ang paghahari ng langit ay katulad sa isang lambat na inihulog sa dagat at nakahuli ng bawat uri ng isda.48 Nang ito ay napuno, ito ay hinila nila sa tabing-dagat at nang sila ay nakaupo, kanilang inipon ang mabubuti sa lalagyan, ngunit ang masasama ay kanilang itinapon.49 Gayundin ang mangyayari sa katapusan ng kapanahunang ito. Ang mga anghel ay darating at ihihiwalay ang masasama mula sa matutuwid50 at kanilang itatapon ang mga ito sa pugon ng apoy. Doon ay magkakaroon ng pananangis at pagngangalit ng mga ngipin.”