15 Ngunit nang nakita ng isa sa kanila na siya ay gumaling, siya ay bumalik na niluluwalhati ang Diyos sa pamamagitan ng malakas na tinig.16 At siya ay nagpatirapa sa harapan malapit sa paanan ni Jesus na nagpapasalamat sa kaniya at ang lalaking ito ay Samaritano.17 At sumagot si Jesus na sinabi, “Hindi ba sampu ang nalinis? Ngunit nasaan ang siyam?18 Wala na bang natagpuang bumalik upang magbigay ng kaluwalhatian sa Diyos maliban sa dayuhang ito?”19 Kaya sinabi niya sa kaniya, “Tumindig ka at humayo. Pinagaling ka na ng iyong pananampalataya.”