17 sapagkat ako ay hindi isinugo ni Cristo upang magbawtismo kundi upang ipangaral ang ebanghelyo, hindi sa pamamagitan ng karunungan ng salita upang hindi mawalan ng halaga ang krus ni Cristo.18 Sapagkat ang salita patungkol sa krus ay kamangmangan nga sa kanila na mga napahamak, ngunit sa atin na mga ligtas, ito ay kapangyarihan ng Diyos
1 Corinthians 9
16 sapagkat kahit na maipangaral ko ang ebanghelyo, ito ay hindi pagmamalaki para sa akin dahil ang pangangailangan ay ipinapapasan sa akin. Ngunit ito ay sa aking aba kapag hindi ko maipangaral ang ebanghelyo
Mark 16
15 At sinabi niya sa kanila, “Sa inyong paghayo sa buong sanlibutan, ipangaral ninyo ang ebanghelyo sa bawat nilikha.
Matthew 28
18 At si Jesus ay lumapit at nagsalita sa kanila na sinasabi, “Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa lupa ay ibinigay sa akin.19 Kaya sa inyong paghayo, gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, na binabawtismuhan sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu,20 na tinuturuan silang ganapin ang lahat ng mga bagay, anuman ang aking iniutos sa inyo. At narito, ako ay kasama ninyo sa lahat ng mga araw hanggang sa katapusan ng kapanahunang ito.” Siya nawa!
Romans 10
14 Subalit papaano sila tatawag sa kaniya na hindi nila sinampalatayanan? At papaano sila sasampalataya sa kaniya na hindi nila pinakinggan? At papaano sila makikinig kung walang tagapagpahayag?15 At papaano sila makakapagpahayag kung sila ay hindi isusugo? Ayon sa nasusulat, “Anong ganda ng mga paa nila na nagpapahayag ng ebanghelyo ng kapayapaan at sa kanila na mga nagpapahayag ng ebanghelyo ng mabubuting bagay.” Isa 52:7
Romans 1
16 Sapagkat hindi ko ikinakahiya ang ebanghelyo ni Cristo dahil ito ang kapangyarihan ng Diyos sa ikaliligtas ng bawat isang sumasampalataya, una, sa mga Judio at gayundin sa mga Griyego,17 dahil sa ebanghelyo ay nahayag ang katuwiran ng Diyos mula sa pananampalataya patungo sa pananampalataya ayon sa nasusulat, “Ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.” Hab 2:4