20 “At siya ay tumayo at siya ay pumunta sa kaniyang ama. Ngunit habang siya ay malayo pa, siya ay nakita ng kaniyang ama at nahabag sa kaniya. At tumakbo ang ama at siya ay kaniyang mahigpit na niyakap at magiliw na hinalikan.21 Ngunit sinabi sa kaniya ng anak, ‘Ama, ako ay nagkasala laban sa langit at sa iyong paningin at ako ay hindi na karapat-dapat na tawaging iyong anak.’