9 Kaya pagkababa nila sa dalampasigan, nakita nila ang nakalatag na nagbabagang mga uling at may nakapatong na isda at tinapay.10 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Magdala kayo rito ng mga isda mula sa mga nahuli ninyo ngayon.”11 Umahon si Simon Pedro at hinila niya sa dalampasigan ang lambat na puno ng malalaking isda na ang bilang ay isandaan at limampu't tatlo at kahit ganoon karami, hindi napunit ang lambat.12 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Halina kayo at mag-agahan.” Subalit walang sinuman sa mga alagad ang naglakas-loob na magtanong sa kaniya, “Sino ka?” sapagkat alam nila na ang Panginoon iyon.13 Kaya lumapit si Jesus, kinuha ang tinapay at ibinigay sa kanila, ganoon din ang ginawa niya sa isda.14 Ito na ang pangatlong pagpapakita ni Jesus sa kaniyang mga alagad mula nang siya ay ibinangon mula sa mga patay.