1 Sa unang araw ng linggo, maagang-maaga pa, sila at ang ilan pang mga babaing kasama nila ay pumunta sa libingan na dala-dala ang inihanda nilang mga pabango at mga pamahid.2 Ngunit natagpuan nila ang bato na naigulong na mula sa libingan.3 At nang sila ay pumasok, hindi nila natagpuan ang katawan ng Panginoong Jesus.4 At nangyari, na sa kanilang kalituhan patungkol dito, narito, may dalawang lalaking tumayo sa tabi nila na ang mga kasuotan ay nagniningning.5 At sa kanilang pagkatakot at pagkiling ng kanilang mga mukha sa lupa, sinabi ng mga lalaki sa kanila, “Bakit ninyo hinahanap ang isang nabubuhay sa mga patay?6 Wala siya rito, ngunit siya ay nagbangon. Alalahanin ninyo kung paano niya sinabi sa inyo nang siya ay nasa Galilea pa,7 na nagsasabi, ‘Ang Anak ng Tao ay kinakailangang ibigay sa mga kamay ng mga makasalanang tao at ipako sa krus at babangon sa ikatlong araw.’ ”8 At naalala nila ang kaniyang mga salita.