26 Pagkalipas ng walong araw, ang mga alagad ay nasa loob muli ng bahay at kasama nila si Tomas. Kahit nakapinid ang mga pinto, dumating si Jesus at tumayo sa kalagitnaan nila at sinabi, “Kapayapaan ang sumainyo.”27 Pagkatapos niyaon, sinabi niya kay Tomas, “Ilagay mo ang iyong daliri rito at pagmasdan mo ang aking mga kamay. Ilagay mo ang iyong kamay at ipasok mo sa butas ng aking tagiliran. Huwag kang maging walang pananampalataya, sa halip ay maging mananampalataya ka.”28 Sumagot si Tomas at sinabi sa kaniya, “Ang aking Panginoon at ang aking Diyos!”29 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Tomas, sumampalataya ka dahil nakita mo ako. Pinagpala sila na hindi nakakita ngunit sumampalataya.”