Nouseva Kristus
| Secondary Keywords | Jeesus Jeesus Joulu Nousu ylös pag-akyat pahimakas pilvet Uusi uusi uusi Ylösnousemus |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Gawa 1:9-12 Lucas 24:50-53 Marcos 16:19-20 |
Acts 19 At pagsabi niya ng mga bagay na ito, habang siya ay pinagmamasdan nila, siya ay dinala paitaas at ikinubli siya ng ulap mula sa kanilang paningin.10 At habang sila ay nakatitig sa langit, sa kaniyang pagpaitaas, narito, dalawang lalaki na may puting kasuotan ang tumayo sa tabi nila.11 At sila din ay nagsabi, “Mga lalaking taga-Galilea, bakit kayo nakatayong nakatitig sa langit? Itong si Jesus na dinala sa langit mula sa inyo ay babalik sa paraang katulad sa nakita ninyong pagpunta niya sa langit.”12 Pagkatapos nito, sila ay bumalik sa Jerusalem mula sa bundok na tinatawag na Olibo. Ito ay malapit sa Jerusalem na isang lakbayin sa araw ng Sabat. Luke 2450 At sila ay dinala ni Jesus hanggang sa Betania, at habang nakataas ang kaniyang mga kamay, sila ay kaniyang pinagpala.51 At nangyari na habang sila ay pinagpapala niya, siya ay humiwalay sa kanila at siya ay dinalang paitaas sa langit.52 At pagkatapos nilang sumamba sa kaniya, sila ay bumalik sa Jerusalem na may malaking kagalakan.53 At sila ay nagpatuloy sa pagpupuri at sa pagbibigay lugod sa Diyos sa loob ng templo. Siya nawa! Mark 1619 Kaya nga, pagkatapos magsalita ang Panginoon sa kanila, siya ay dinalang paitaas sa langit at umupo sa bahaging kanan ng Diyos.20 Kaya sa kanilang pag-alis, sila ay nangaral sa lahat ng dako, ang Panginoon ay gumagawang kasama nila at pinagtitibay niya ang salita sa pamamagitan ng mga tanda na sumusunod. Siya nawa. | |








