Nouseva Kristus
| Secondary Keywords | Jeesus Jeesus Joulu libingan muling pagkabuhay Nousu ylös pahimakas puutarha puutarha puutarha Ulkonäkö Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Juan 20:14-18 Marcos 16:9-11 |
John 2014 Pagkasabi niya ng mga ito, siya ay tumalikod at nakita niya si Jesus na nakatayo, ngunit hindi niya nakilala na iyon ay si Jesus.15 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ginang, bakit ka tumatangis? Sino siya na hinahanap mo?” Sa pag-aakalang siya ang hardinero, sinabi niya sa kaniya, “Ginoo, kung ikaw ang kumuha sa kaniya, sabihin mo sa akin kung saan mo siya inilagay at kukunin ko siya.”16 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Maria!” Humarap siya at sinabi sa kaniya, “Rabbi!” na ang ibig sabihin ay guro.17 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Huwag mo akong hawakan sapagkat hindi pa ako nakakaakyat sa aking Ama, ngunit pumunta ka sa mga kapatid ko. Sabihin mo sa kanila, ‘Ako ay aakyat patungo sa aking Ama at inyong Ama, sa aking Diyos at inyong Diyos.’ ”18 Si Maria na taga-Magdala ay pumunta na ibinabalita sa mga alagad dahil nakita niya ang Panginoon at ang mga bagay na sinabi ni Jesus sa kaniya. Mark 169 Nang si Jesus ay bumangon sa unang araw ng sanlinggo, siya ay unang nagpakita kay Maria na taga-Magdala, na mula sa kaniya ay pinalabas ni Jesus ang pitong demonyo.10 Pagkaalis ni Maria, isinalaysay niya ito sa kanila na mga naging kasama ni Jesus habang sila ay nagdadalamhati at namimighati.11 Ngunit sila na nakarinig, na siya ay nabubuhay at siya ay nakita ni Maria, ay hindi naniwala. | |








