Sapatti
| Secondary Keywords | araw ng pangilin batas Jeesus Jeesus pahimakas Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Lucas 6:1-5 Marcos 2:23-28 Matthew 12:1-8 |
Luke 61 At nangyari, na sa ikalawang araw ng Sabat pagkaraan ng una, si Jesus ay dumaan sa triguhan, at ang kaniyang mga alagad ay pumigtal ng mga uhay at nililigis nila sa kanilang mga kamay at kinakain.2 Ngunit sinabi ng ilang Fariseo sa kanila, “Bakit ginagawa ninyo ang hindi ipinapahintulot na gawin sa mga araw ng Sabat?”3 At sumagot si Jesus na sinabi sa kanila, “Hindi ba ninyo ito nabasa na ginawa ni David nang nagutom siya at ang mga kasama niya,4 kung paanong siya ay pumasok sa bahay ng Diyos at kinuha at kinain ang mga tinapay na handog, at ang kaniya ring mga kasama ay binigyan ng hindi ipinahihintulot kainin maliban lang sa mga saserdote?”5 Kaya sinabi niya sa kanila, “Ang Anak ng Tao ay Panginoon din ng araw ng Sabat.” Mark 223 Nangyari nga na isang araw ng Sabat, si Jesus ay dumaan sa bukirin kasama ang kaniyang mga alagad. Habang naglalakad sila, namitas ng mga uhay ng trigo ang kaniyang mga alagad.24 Kaya ang mga Fariseo ay nagsabi sa kaniya, “Narito, bakit ginagawa nila ang ipinagbabawal sa araw ng Sabat?”25 Sinabi niya sa kanila, “Hindi ba ninyo nabasa kung ano ang ginawa ni David nang siya ay nangailangan at nagutom, siya at sila na mga kasama niya,26 kung paano siya pumasok sa bahay ng Diyos nang si Abiatar ang punong saserdote, at kinain ang tinapay na handog sa Diyos na hindi dapat kainin, maliban lamang sa mga saserdote? At binigyan din niya ang kaniyang mga kasama.”27 Sinabi rin ni Jesus sa kanila, “Ang araw ng Sabat ay ginawa para sa tao at hindi ang tao para sa araw ng Sabat.28 Kaya nga, ako na Anak ng Tao ay Panginoon din ng araw ng Sabat.” Matthew 121 Sa panahong iyon, si Jesus ay naglakad sa triguhan sa mga araw ng Sabat. Ang kaniyang mga alagad ay nagutom at sila ay nagsimulang pumitas ng uhay ng trigo upang kainin.2 Ngunit nang makita ito ng mga Fariseo ay kanilang sinabi sa kaniya, “Tingnan mo, ang iyong mga alagad ay gumagawa niyaong hindi ipinapahintulot na gawin sa araw ng Sabat.”3 Ngunit sinabi niya sa kanila, “Hindi ba ninyo nabasa ang ginawa ni David nang siya ay nagutom, at sila na mga kasama niya,4 kung paanong siya ay pumasok sa bahay ng Diyos at kumain ng mga tinapay na handog na para sa kaniya ay hindi ipinapahintulot kainin, ni sa kanila na kasama niya maliban na lamang sa mga saserdote?5 O hindi ba ninyo nabasa sa Kautusan na sa mga araw ng Sabat ay nilalapastangan ng mga saserdote sa templo ang araw ng Sabat at hindi sila nagkasala?6 Ngunit sinasabi ko sa inyo na ang lalong dakila kaysa sa templo ay naririto.7 Ngunit kung alam ninyo ang kahulugan nito, ‘Habag ang ninanais ko at hindi hain,’ Ose 6:6 hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang kasalanan8 sapagkat ang Anak ng Tao ay Panginoon din ng araw ng Sabat.” | |








