Kääröt
| Secondary Keywords | basahin Elämää Jeesus Jeesus koleksyon mag-scroll |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Luke 416 Siya ay pumunta sa Nazaret kung saan siya lumaki, at ayon sa kaniya nang kinaugalian, siya ay pumasok sa sinagoga sa araw ng Sabat at siya ay tumayo upang magbasa. 17 At iniabot sa kaniya ang aklat ni propeta Isaias at nang ibinuklat niya ang aklat, natagpuan niya ang bahagi kung saan ito ang nasusulat, 18 “Ang Espiritu ng Panginoon ay sumasaakin dahil ako ay pinahiran niya ng langis upang ipangaral ang ebanghelyo sa mga dukha. Isinugo niya ako upang pagalingin ang mga sugatang puso, upang ipangaral ang kalayaan sa mga bihag at ang panunumbalik ng paningin sa mga bulag, upang palayain ang mga naapi, 19 at upang ipangaral ang katanggap-tanggap na taon ng Panginoon.” Isa 61:1-2 20 At nang naibalumbon niya ang aklat at naibigay niya ito sa opisyal, si Jesus ay umupo. At ang mga mata ng lahat ng mga nasa sinagoga ay nakatitig sa kaniya. 21 Kaya sinimulan niya na sabihin sa kanila, “Ang Kasulatang ito ay naganap sa inyong pandinig sa araw na ito.” 22 At ang lahat ay nagpatotoo sa kaniya at namangha sa mga salita ng biyaya na lumabas sa kaniyang bibig at sinabi nila, “Hindi ba ito ang anak ni Jose?” 23 At sinabi ni Jesus sa kanila, “Tiyak na sasabihin ninyo sa akin ang talinghagang ito, ‘Manggagamot, pagalingin mo ang iyong sarili! Ang anumang narinig naming ginawa mo sa Capernaum ay gawin mo rin dito sa iyong sariling bayan.’ ” 24 Ngunit sinabi niya, “Katotohanang sinasabi ko sa inyo na walang propetang katanggap-tanggap sa kaniyang sariling bayan. 25 Subalit sinasabi ko sa inyo ang katotohanan, maraming mga babaing balo sa Israel sa panahon ni Elias nang ang langit ay isinara sa loob ng tatlong taon at anim na buwan, nang nagkaroon ng matinding taggutom sa buong lupain, 26 ngunit hindi isinugo si Elias sa kaninuman sa kanila maliban sa isang babaing balo sa Sarepta na lungsod ng Sidon. 27 At sa panahon ng propetang si Eliseo ay maraming ketongin sa Israel at walang nilinis sa kanila maliban kay Naaman na taga-Siria.” 28 Kaya ang lahat ng mga nasa sinagoga ay labis na nagalit pagkarinig nila ng mga bagay na ito. 29 At sa kanilang pagtindig, itinaboy nila si Jesus sa labas ng lungsod at siya ay dinala nila hanggang sa gilid ng burol na pinagtayuan ng kanilang lungsod, upang siya ay ihulog na patiwarik. 30 Ngunit siya ay dumaan sa kanilang kalagitnaan at umalis. |








