Käärme
| Secondary Keywords | ahas demonyo Eden kasalanan Lusiper prutas satanas tukso |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Genesis 31 Ang ahas nga ay lalong tuso kay sa alin man sa mga hayop sa parang na nilikha ng Panginoong Dios. At sinabi niya sa babae, Tunay bang sinabi ng Dios, Huwag kayong kakain sa alin mang punong kahoy sa halamanan? 2 At sinabi ng babae sa ahas, Sa bunga ng mga punong kahoy sa halamanan ay makakakain kami: 3 Datapuwa't sa bunga ng punong kahoy na nasa gitna ng halamanan ay sinabi ng Dios, Huwag kayong kakain niyaon, ni huwag ninyong hihipuin, baka kayo'y mamatay. 4 At sinabi ng ahas sa babae, Tunay na hindi kayo mamamatay: 5 Sapagka't talastas ng Dios na sa araw na kayo'y kumain niyaon ay madidilat nga ang inyong mga mata, at kayo'y magiging parang Dios, na nakakakilala ng mabuti at masama. 6 At nang makita ng babae, na ang bunga ng punong kahoy ay mabuting kanin, at nakalulugod sa mga mata, at kahoy na mananasa upang magpapantas sa tao, ay pumitas siya ng bunga niyaon at kinain; at binigyan din niya ang kaniyang asawang kasama niya, at ito'y kumain. 7 At nadilat kapuwa ang kanilang mga mata, at kanilang nakilalang sila'y mga hubad; at sila'y tumahi ng mga dahon ng puno ng igos, at kanilang ginawang panapi. James 112 Pinagpala ang taong nagtitiis ng pagsubok sapagkat pagkatapos siyang maging subok, siya ay tatanggap ng putong ng buhay na ipinangako ng Panginoon sa kanila na umiibig sa kaniya. 13 Huwag sabihin ng sinuman kapag siya ay tinutukso, “Ako ay tinutukso ng Diyos” sapagkat ang Diyos ay hindi matutukso ng masasama at hindi siya nanunukso ng sinuman. 14 Ngunit ang bawat tao ay natutukso kapag siya ay nahihila ng sarili niyang pagnanasa at siya ay naaakit nito. 15 Pagkatapos maglihi ang pagnanasa, ito ay nanganganak ng kasalanan at kapag ang kasalanan ay naisakatuparan, ito ay nagbubunga ng kamatayan. |








