Palvelu
| Secondary Keywords | alagad Elämää Jeesus Jeesus kababaang-loob koleksyon ley pagtatalamitam Pesu talampakan |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | John 133 Alam ni Jesus na ibinigay na ng Ama ang lahat ng mga bagay sa kaniyang mga kamay. Siya ay galing sa Diyos at babalik sa Diyos. 4 Siya ay tumindig mula sa hapunan at itinabi ang kaniyang mga kasuotan at kumuha siya ng tuwalya at binigkisan ang kaniyang sarili. 5 Pagkatapos ay nagbuhos siya ng tubig sa palanggana at nagsimulang hugasan ang mga paa ng mga alagad at punasan ng tuwalyang nakabigkis sa kaniya. 6 Nang lumapit siya kay Simon Pedro at sinabi ni Pedro, “Panginoon, huhugasan mo ba ang aking mga paa?” 7 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Ang aking ginagawa ay hindi mo nauunawaan sa ngayon, ngunit malalaman mo pagkatapos ng mga ito.” 8 Sinabi ni Pedro sa kaniya, “Kailanman ay hindi mo huhugasan ang aking mga paa.” Sumagot si Jesus sa kaniya, “Kung hindi kita huhugasan, wala kang bahagi sa akin.” 9 Sinabi ni Simon Pedro sa kaniya, “Panginoon, hindi lamang ang aking mga paa kundi gayundin ang aking mga kamay at ulo.” 10 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ang napaliguan na ay hindi na kailangang hugasan maliban sa kaniyang mga paa. Ngunit siya ay lubos nang malinis. Kayo ay malinis na bagaman hindi ang lahat.” 11 Alam niya kung sino ang magkakanulo sa kaniya kaya sinabi niya, “Hindi ang lahat sa inyo ay malinis.” 12 Pagkatapos niyang hugasan ang kanilang mga paa, kinuha niya ang kaniyang mga kasuotan, muli siyang umupo at sinabi niya sa kanila, “Nalalaman ba ninyo kung ano ang ginawa ko sa inyo? 13 Tinatawag ninyo akong Guro at Panginoon. Tama ang sinasabi ninyo sapagkat ako nga. 14 Yamang ako na inyong Panginoon at Guro ay naghugas ng inyong mga paa, dapat din nga ninyong hugasan ang mga paa ng isa't isa. 15 Binigyan ko kayo ng halimbawa upang inyong gawin ang katulad ng ginawa ko sa inyo. 16 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, ang alipin ay hindi higit na dakila kaysa sa kaniyang panginoon, ni ang sugo ay hindi higit na dakila kaysa sa nagsugo sa kaniya. 17 Kung alam na ninyo ang mga bagay na ito ay pinagpala kayo kung gagawin ninyo ang mga ito. |








