2 Pangalagaan ninyo ang kawan ng Diyos na nasa inyo. Pangasiwaan ninyo sila nang hindi napipilitan kundi kusang-loob, hindi dahil sa masamang kapakinabangan kundi dahil sa kasiglahan,3 at hindi katulad ng mga namumuno na may pagkapanginoon sa nasasakupan ng Diyos kundi bilang huwaran ng kawan.4 At kapag ang Pangulong Pastol ay mahayag, kayo ay tatanggap ng putong ng kaluwalhatian na hindi kumukupas.