Aluksen
| Secondary Keywords | antigo bangka barko RH |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Acts 27:3-14 |
Acts 273 At sa sumunod na araw, kami ay nakadaong sa Sidon. Pinakitunguhang-mabuti ni Julio si Pablo. Siya ay pinahintulutan niyang makapunta sa kaniyang mga kaibigan at tumanggap ng kalinga.4 At nang kami ay lumisan mula roon, kami ay naglayag na nanganganlong sa Chipre sapagkat pasalungat ang hangin.5 At nang kami ay nakapaglayag patawid sa karagatan sa tapat ng Cilicia at Pamfilia, dumating kami sa Mira na lungsod ng Licia.6 At ang senturion ay nakahanap doon ng barko ng Alexandria na naglalayag patungo sa Italia, at kami ay kaniyang pinasakay roon.7 At maraming araw kaming naglayag nang dahan-dahan at kami ay nahirapang makarating sa tapat ng Cinido. Dahil hindi kami pinapahintulutang makalayo ng hangin, kami ay naglayag na nanganganlong sa Creta sa tapat ng Salmone.8 At sa hirap ng pamamaybay rito, kami ay nakarating sa isang dakong tinatawag na mga Mabuting Daungan kung saan malapit ang lungsod ng Lasea.9 At nang lumipas na ang mahabang panahon at nagiging mapanganib na ang paglalayag, at dahil ang pag-aayuno ay nakalagpas na, sila ay pinayuhan ni Pablo10 na sinasabi sa kanila, “Mga ginoo, nakikita ko na ang paglalayag na ito ay magkakaroon ng kapinsalaan at malaking kapahamakan, hindi lamang sa lulan at sa barko, kundi gayundin sa ating mga buhay.”11 Ngunit ang senturion ay higit na naniwala sa kapitan ng barko at sa may-ari ng barko kaysa sa mga sinasabi ni Pablo.12 At dahil sa hindi mabuting hintuan ang daungan sa taglamig, ang nakararami ay nagpayo upang maglayag din mula roon baka sakaling sa anumang paraan, sila ay makarating sa Fenix upang doon magtaglamig sa daungan ng Creta na nakaharap sa dakong timog-kanluran at hilagang-kanluran.13 Ngunit nang dahan-dahang umihip ang hangin mula sa timog, at sa pag-aakalang maisagawa na nila ang kanilang layunin, sila ay namaybay malapit sa Creta nang naitaas nila ang angkla.14 Ngunit hindi nagtagal, humampas sa kaniya ang malakas na unos na tinatawag na Euroclidon. | |








