15 Kung iniibig ninyo ako, tuparin ninyo ang aking mga utos.16 “Hihingi ako sa Ama at bibigyan niya kayo ng ibang Mang-aaliw upang siya ay mananatili sa inyo magpakailanman,17 siya ang Espiritu ng Katotohanan. Hindi siya matatanggap ng sangkatauhan sapagkat siya ay hindi nito nakikita, ni hindi nito nakikilala. Kilala ninyo siya sapagkat siya ay nananatiling kasama ninyo at sasainyo.