37 Ngunit sa huling araw, sa dakilang araw ng kapistahan, tumayo si Jesus at sumigaw na nagsasabi, “Kung sinuman ay nauuhaw, lumapit siya sa akin at uminom.38 Siya na sumasampalataya sa akin, ayon sa sinabi ng Kasulatan, ‘mula sa kaniyang kalooban ay dadaloy ang mga ilog ng tubig na buhay.’”
Revelation 22
17 At ang Espiritu at ang babaing ikakasal ay nagsasabi, “Halika!” At siya na nakarinig ay hayaang magsabi, “Halika!” At siya na nauuhaw ay hayaang lumapit at siya na nagnanais ay hayaang kumuha ng tubig ng buhay nang walang bayad.