temppelin
| Secondary Keywords | alagad bundok Dyuis Henki Henki Herra Jeesus Jeesus Jerusalem mga Fariseo muling itayo nag-aalok Pyhä santuwaryo templo tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho |
|---|---|
| Tertiary Keywords | tradisyon |
| Mga Banal na Kasulatan | 1 Corinthians 6:19 Acts 7:48 Daniel 9:24-27 Juan 2:19-21 Matthew 23:37 Matthew 24:1-14 |
1 Corinthians 619 At hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay banal na dako ng templo ng Banal na Espiritu na nasa inyo at ito ay tinanggap ninyo mula sa Diyos at kayo ay hindi sa inyong sarili? Acts 748 “Subalit ang Kataas-taasan ay hindi nananahanan sa mga banal na dako ng templo na gawa ng mga kamay, katulad sa sinasabi ng propeta, Daniel 924 Pitong pung sanglinggo ang ipinasiya sa iyong mga tao at sa iyong banal na bayan, upang tapusin ang pagsalangsang, at upang wakasan ang pagkakasala, at upang linisin sa kasamaan, at upang dalhan ng walang hanggang katuwiran, at upang tatakan ang pangitain at ang panghuhula, at upang pahiran ang kabanalbanalan.25 Iyo ngang talastasin at bulayin, na mula sa paglabas ng utos na isauli at itayo ang Jerusalem sa pinahiran na prinsipe, magiging pitong sanglinggo, at anim na pu't dalawang sanglinggo: ito'y matatayo uli, na may lansangan at kuta, sa makatuwid baga'y sa mga panahong mabagabag.26 At pagkatapos ng anim na pu't dalawang sanglinggo, mahihiwalay ang pinahiran, at mawawalaan ng anoman: at gigibain ang bayan at ang santuario ng mga tao ng prinsipeng darating; at ang wakas niyaon ay sa pamamagitan ng baha, at hanggang sa wakas ay magkakaroon ng digma; mga pagkasira ay ipinasiya na.27 At pagtitibayin niya ang tipan sa marami sa isang sanglinggo: at sa kalahati ng sanglinggo ay kaniyang ipatitigil ang hain at ang alay; at sa pakpak ng mga kasuklamsuklam ay paroroon ang isang maninira; at hanggang sa wakas, at pagkapasiya ay mabubuhos ang poot sa maninira. John 219 Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Gibain ninyo itong banal na dako ng templo at aking itatayo sa loob ng tatlong araw.”20 Kaya sinabi ng mga Judio, “Apatnapu't anim na taon ang pagtatayo ng banal na dako ng templong ito at itatayo mo ito sa loob ng tatlong araw?”21 Ngunit ang banal na dako ng templo na kaniyang tinutukoy ay ang kaniyang katawan. Matthew 2337 “Jerusalem! Jerusalem! Ikaw na pumapatay sa mga propeta at bumabato sa mga isinugo sa iyo. Gaano kadalas kong ninais na tipunin ang iyong mga anak kung paano tinitipon ng inahing manok ang kaniyang mga sisiw sa ilalim ng kaniyang pakpak, ngunit ayaw ninyo? Matthew 241 At nang si Jesus ay lumabas at umalis mula sa templo, ang kaniyang mga alagad ay lumapit upang ipakita sa kaniya ang mga gusali ng templo.2 Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, “Hindi ba ninyo nakikita ang lahat ng mga ito? Katotohanang sinasabi ko sa inyo na walang maiiwanan dito kahit isang bato sa ibabaw ng bato na hindi babagsak.”3 At habang siya ay nakaupo sa bundok ng mga Olibo, ang kaniyang mga alagad ay lumapit sa kaniya nang bukod, na sinasabi, “Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? At ano ang tanda ng iyong pagdating at katapusan ng kapanahunang ito?”4 At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Mag-ingat kayo, na hindi kayo mailigaw ng sinuman5 sapagkat marami ang darating sa aking pangalan na nagsasabi, ‘Ako ang Cristo’ at ililigaw nila ang marami.6 At magsisimula na kayong makarinig ng mga digmaan at ng mga balita ng mga digmaan. Masdan ninyo, huwag kayong mangamba sapagkat ang mga bagay na ito ay kinakailangang mangyari ngunit hindi pa ito ang wakas7 sapagkat babangon ang isang bansa laban sa isang bansa at ang isang kaharian laban sa isang kaharian. At magkakaroon ng mga taggutom at mga salot at mga lindol sa iba't ibang lugar.8 Ngunit ang lahat ng mga ito ay simula ng mga paghihirap.9 “Sa panahong iyon ay dadalhin nila kayo sa paghihirap at papatayin nila kayo at kasusuklaman kayo ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan.10 At pagkatapos ay marami ang matitisod at ipagkakanulo nila ang isa't isa at kasusuklaman nila ang isa't isa.11 At maraming bulaang propeta ang lilitaw at ililigaw ang marami.12 At dahil sa paglaganap ng hindi pagkilala sa kautusan, ang pag-ibig ng marami ay manlalamig.13 Ngunit siya na nagtiis hanggang sa wakas, siya ang maliligtas.14 At itong ebanghelyo ng paghahari ng Diyos ay maipapahayag sa buong sanlibutan bilang patotoo sa lahat ng mga bansa at pagkatapos nito ay darating ang wakas. | |








