1 Pagkatapos nito, si Jesus ay dinala ng Banal na Espiritu sa ilang upang tuksuhin ng diyablo.2 At pagkatapos niyang makapag-ayuno ng apatnapung araw at apatnapung gabi, siya ay nagutom.3 At nang dumating sa kaniya ang manunukso ay sinabi nito, “Yamang ikaw ang Anak ng Diyos, sabihin mo sa mga batong ito na maging tinapay.”4 Ngunit si Jesus ay sumagot na nagsasabi, “Ito ang nasusulat, ‘Ang tao ay hindi mabubuhay sa tinapay lamang kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Diyos.’ ” Deu 8:3