Kolmas kieltäminen
| Avainsanat | Jeesus Jeesus pagtanggi |
|---|---|
| Secondary Keywords | Elämää koleksyon pagsubok Peter |
| Mga Banal na Kasulatan | John 18:26-27 Luke 22:60-62 Mark 14:70-72 Matthew 26:73-75 |
John 1826 Sinabi ng isa sa mga alipin ng pinakapunong saserdote na kamag-anak niyaong tinigpasan ni Pedro ng tainga, “Hindi ba nakita kitang kasama niya sa halamanan?”27 Kaya muling nagkaila si Pedro at kaagad tumilaok ang tandang. Luke 2260 Subalit sinabi ni Pedro, “Ginoo, hindi ko alam ang sinasabi mo.” At habang siya ay nagsasalita pa, ang tandang ay tumilaok kaagad.61 At nang lumingon ang Panginoon, tiningnan niya si Pedro. At naalala ni Pedro ang salita ng Panginoon katulad ng sinabi niya sa kaniya, “Bago tumilaok ang tandang, ipagkakaila mo ako ng tatlong ulit.”62 At nang si Pedro ay lumabas, siya ay tumangis nang buong pait. Mark 1470 Ngunit ito ay muli niyang ipinagkaila. At pagkatapos ng ilang sandali, ang mga nakatayo roon ay muling nagsabi kay Pedro, “Totoo, ikaw ay isa sa kanila sapagkat ikaw rin ay taga-Galilea at ang pagsasalita mo ay katulad sa isang taga-Galilea.”71 Ngunit siya ay nagsimulang mag-alimura at manumpa na sinasabi, “Hindi ko kilala ang taong ito na inyong sinasabi.”72 At sa ikalawang pagkakataon, ang tandang ay tumilaok at naalaala ni Pedro ang salitang sinabi ni Jesus sa kaniya, “Bago tumilaok ang dalawang ulit ang tandang, tatlong ulit mo akong ipagkakaila.” Nang naalaala niya ito, siya ay tumangis. Matthew 2673 Ngunit pagkaraan ng ilang sandali, lumapit sa kaniya yaong mga nakatayo at sinabi kay Pedro, “Totoo naman na ikaw ay isa rin sa kanila sapagkat ang iyong pananalita ang malinaw na nagpapakilala sa iyo.”74 Kaya siya ay nagsimulang magsalita ng masama at manumpa, “Hindi ko kilala ang lalaking iyon.” At kaagad tumilaok ang tandang.75 At naipaalala kay Pedro ang salita ni Jesus na sinabi sa kaniya, “Bago tumilaok ang tandang ay tatlong ulit mo akong ipagkakaila.” At siya ay lumabas at tumangis na may kapaitan. | |








