Transfiguraatio
| Avainsanat | Elijah James Jeesus Jeesus john bakal Joulu Juan Moises pagbabagong-anyo Peter sakyan |
|---|---|
| Secondary Keywords | Pacific press publishing |
| Mga Banal na Kasulatan | Lucas 9:28-34 Marcos 9:2-5 Matthew 17:1-3 |
Luke 928 Pagkalipas ng halos walong araw pagkatapos ng mga pananalitang ito, isinama ni Jesus sina Pedro, at Juan at Santiago at umahon sa bundok upang manalangin.29 At nangyari habang siya ay nananalangin, ang anyo ng kaniyang mukha ay nagbago at nagningning ang kaniyang puting kasuotan.30 At narito, may dalawang lalaking nakikipag-usap sa kaniya, sila ay sina Moises at Elias31 na mga nagpakita sa kaluwalhatian, at nagsabi patungkol sa kaniyang kamatayan na malapit na niyang ganapin sa Jerusalem.32 Ngunit si Pedro at ang mga kasama niya ay napahimbing na ng tulog, subalit nang sila ay gumising, nakita nila ang kaniyang kaluwalhatian at ang dalawang lalaki na nakatayong kasama niya.33 At habang papaalis sina Moises at Elias mula sa kaniya, si Pedro ay nagsabi kay Jesus, “Guro, mabuti na kami ay naparito at makakagawa kami ng tatlong kubol: isa para sa iyo, isa para kay Moises at isa para kay Elias.” Sinabi niya ito dahil hindi niya nalalaman ang kaniyang sinasabi.34 At habang sinasabi niya ang mga ito, dumating ang ulap at nililiman sila. Ngunit ang mga lalaking ito ay natakot habang pumapasok sa ulap. Mark 92 At pagkaraan ng anim na araw, isinama ni Jesus sina Pedro, Santiago at Juan. Sila ay dinala niyang bukod sa mataas na bundok, na sila lang ang naroroon, at siya ay nagbagong-anyo sa harap nila.3 At ang kaniyang kasuotan ay naging makinang, napakaputing kagaya ng niyebe, na walang tagapagpaputi ng damit sa lupa ang makakapagpaputi ng gayon.4 Nagpakita sa kanila roon si Elias kasama si Moises at sila ay nakikipag-usap kay Jesus.5 At si Pedro ay sumagot na sinabi kay Jesus, “Rabbi, mabuti na kami ay naparito at makakagawa kami ng tatlong kubol: isa sa iyo, isa kay Moises at isa kay Elias.” Matthew 171 Pagkaraan ng anim na araw ay isinama ni Jesus sina Pedro at Santiago at si Juan na kaniyang kapatid, at sila ay dinala niyang bukod patungo sa isang mataas na bundok.2 At siya ay nagbagong-anyo sa harapan nila at nagliwanag ang kaniyang mukha katulad ng araw at ang kaniyang mga damit ay pumuti katulad ng liwanag.3 Narito, nagpakita sa kanila sina Moises at Elias na nakikipag-usap sa kaniya. | |








