Triumfaalinen sisäänpääsy
| Secondary Keywords | Jeesus Jeesus Jerusalem matangloy pagpasok pahimakas silakbo ng damdamin Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | John 1212 Kinabukasan, nang narinig nila na si Jesus ay paparating sa Jerusalem, maraming mga tao na nanggaling sa kapistahan 13 ang kumuha ng mga tangkay ng punong palma at lumabas upang salubungin siya at sumigaw, “Hosana! ‘Pinagpala siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon,’ Awi 118:25-26 ang Hari ng Israel!” 14 Nang natagpuan ni Jesus ang isang batang asno, sumakay siya rito kagaya ng nasusulat, 15 “Huwag kang matakot, anak na babae ng Zion! Narito, ang iyong hari ay dumarating na nakasakay sa bisiro.” Zak 9:9 16 Sa simula ay hindi naunawaan ng kaniyang mga alagad ang mga bagay na ito: subalit nang naluwalhati na si Jesus, saka lamang nila naalala na ang mga bagay na ito ay nasusulat patungkol sa kaniya at ginawa nila ang mga bagay na ito sa kaniya. 17 Kaya nga, nagpatotoo ang maraming tao na nakasama niya nang kaniyang tawagin si Lazaro mula sa libingan at ibinangon mula sa mga patay. 18 Dahil dito, sumalubong sa kaniya ang maraming tao sapagkat narinig nila na siya ang gumawa ng tanda na ito. 19 Sinabi nga ng mga Fariseo sa kanilang mga sarili, “Nakikita ninyo na wala kayong anumang napapala. Narito, sumusunod na sa kaniya ang sangkatauhan.” Mark 111 At nang papalapit na sila sa Jerusalem, sa Betfage at Betania, patungo sa bundok ng mga Olibo, isinugo ni Jesus ang dalawa sa kaniyang mga alagad, 2 at sinabi niya sa kanila, “Humayo kayo sa nayong nasa unahan ninyo, at sa inyong pagpasok doon ay matatagpuan ninyo kaagad ang nakataling bisiro na hindi pa nasasakyan ng sinumang tao. Kalagan ninyo iyon at dalhin dito. 3 At kapag ang sinuman ay magsabi sa inyo, ‘Bakit ninyo ginagawa ito?’ Sabihin ninyo, ‘Kailangan ito ng Panginoon’ at iyon ay kaagad niyang ipapadala rito.” 4 At sila ay pumaroon at natagpuan ang nakataling bisiro sa labas ng pintuan sa magkasalubong na daan, at kinalagan nila ito. 5 Ang ilan sa mga nakatayo roon ay nagsabi sa kanila, “Ano ang ginagawa ninyo na kinakalagan ang bisiro?” 6 Kaya ang sinabi ng mga alagad sa kanila ay ang ayon sa iniutos ni Jesus at sila ay pinayagan nila. 7 At dinala nila ang bisiro kay Jesus, at isinapin nila sa ibabaw nito ang kanilang mga damit at sinakyan ito ni Jesus. 8 Kaya marami ang naglatag ng kanilang mga damit sa daan, at ang iba ay pumutol ng mga sanga ng mga punongkahoy at inilatag ang mga ito sa daan. 9 Ang mga nauuna at ang mga sumusunod ay sumisigaw na sinasabi, “Hosana! ‘Pinagpala siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon!’ Awi 118:25-26 10 Papuri sa dumarating na paghahari ng ating amang si David na pumaparito sa pangalan ng Panginoon! Hosana sa kataas-taasan!” 11 At pumasok si Jesus sa Jerusalem at sa loob ng templo. Pagkatingin niya sa palibot sa lahat ng mga bagay, siya ay lumabas patungo sa Betania kasama ang labindalawa yamang sumasapit na ang gabi. |