Triumfaalinen sisäänpääsy
| Avainsanat | aking mga kaibigan sa Biblia alagad alon ang matagumpay na pagpasok asno bisiro Herääminen Jeesus Jeesus Jerusalem kalye karamihan ng tao kumalat matagumpay matangloy pagbati pagpasok palad palm sanga Pasko ng Pagkabuhay Pasober rhpas0228 sangay Tervetuloa |
|---|---|
| Secondary Keywords | Arvostelu ja Herald bahagi ng isang serye bahagi ng serye balabal Lasten lapset markahan pagtitig pamilya Sarah suriin |
| Mga Banal na Kasulatan | Mark 111 At nang papalapit na sila sa Jerusalem, sa Betfage at Betania, patungo sa bundok ng mga Olibo, isinugo ni Jesus ang dalawa sa kaniyang mga alagad, 2 at sinabi niya sa kanila, “Humayo kayo sa nayong nasa unahan ninyo, at sa inyong pagpasok doon ay matatagpuan ninyo kaagad ang nakataling bisiro na hindi pa nasasakyan ng sinumang tao. Kalagan ninyo iyon at dalhin dito. 3 At kapag ang sinuman ay magsabi sa inyo, ‘Bakit ninyo ginagawa ito?’ Sabihin ninyo, ‘Kailangan ito ng Panginoon’ at iyon ay kaagad niyang ipapadala rito.” 4 At sila ay pumaroon at natagpuan ang nakataling bisiro sa labas ng pintuan sa magkasalubong na daan, at kinalagan nila ito. 5 Ang ilan sa mga nakatayo roon ay nagsabi sa kanila, “Ano ang ginagawa ninyo na kinakalagan ang bisiro?” 6 Kaya ang sinabi ng mga alagad sa kanila ay ang ayon sa iniutos ni Jesus at sila ay pinayagan nila. 7 At dinala nila ang bisiro kay Jesus, at isinapin nila sa ibabaw nito ang kanilang mga damit at sinakyan ito ni Jesus. 8 Kaya marami ang naglatag ng kanilang mga damit sa daan, at ang iba ay pumutol ng mga sanga ng mga punongkahoy at inilatag ang mga ito sa daan. 9 Ang mga nauuna at ang mga sumusunod ay sumisigaw na sinasabi, “Hosana! ‘Pinagpala siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon!’ Awi 118:25-26 10 Papuri sa dumarating na paghahari ng ating amang si David na pumaparito sa pangalan ng Panginoon! Hosana sa kataas-taasan!” 11 At pumasok si Jesus sa Jerusalem at sa loob ng templo. Pagkatingin niya sa palibot sa lahat ng mga bagay, siya ay lumabas patungo sa Betania kasama ang labindalawa yamang sumasapit na ang gabi. Matthew 211 Nang sila ay malapit na sa Jerusalem at dumating sa Betfage, patungo sa bundok ng mga Olibo, sa oras na iyon, si Jesus ay nagsugo ng dalawang alagad 2 na sinasabi sa kanila, “Pumaroon kayo sa nayon na nasa unahan ninyo at kayo ay makakatagpo kaagad ng isang nakataling asno na may kasamang isang bisiro. Kalagan sila at dalhin ninyo sa akin. 3 At kapag may magsabi sa inyo ng anuman, ito ang sasabihin ninyo, ‘Kailangan sila ng Panginoon’ at sila ay kaagad niyang ipapadala.” 4 At ang lahat ng ito ay nangyari upang matupad ang sinabi sa pamamagitan ng propeta na sinasabi, 5 “Sabihin ninyo sa anak na babae ng Zion, Isa 62:11 ‘Narito, ang iyong hari ay dumarating sa iyo. Siya ay maamo at nakasakay sa isang asno, sa bisirong anak ng asno.’ ” Zak 9:9 6 Kaya lumakad ang mga alagad at ginawa ang ayon sa iniutos sa kanila ni Jesus. 7 At kinuha nila ang asno at ang bisiro, at ipinatong nila sa mga ito ang kanilang mga damit at siya ay iniupo nila sa mga ito. 8 At ang lubhang napakaraming tao ay naglatag ng kanilang mga damit sa daan. Ang iba naman ay pumutol ng mga sanga mula sa mga punongkahoy at inilatag sa daan. 9 At ang napakaraming tao na nauuna sa kaniya at ang mga sumusunod sa kaniya ay sumigaw na sinasabi, “Hosana sa Anak ni David! ‘Pinagpala siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon!’ Awi 118:25-26 Hosana sa kataas-taasan!” 10 At nang siya ay pumasok sa Jerusalem, ang buong lungsod ay nayanig na sinasabi, “Sino ito?” 11 Kaya sinabi ng napakaraming tao, “Siya ay si Jesus, ang propeta na taga-Nazaret ng Galilea.” 12 At si Jesus ay pumasok sa templo ng Diyos at itinaboy niya ang lahat ng mga nagtitinda at mga namimili sa templo at itinaob niya ang mga mesa ng mga mamamalit-salapi at ang mga upuan ng mga nagtitinda ng mga kalapati. 13 Sinabi niya sa kanila, “Nasusulat, ‘Ang aking bahay ay tatawaging bahay-dalanginan,’ Isa 56:7 ngunit ginawa ninyo itong ‘yungib ng mga tulisan.’ ” Jer 7:11 14 At lumapit ang mga bulag at mga pilay kay Jesus sa templo at sila ay pinagaling niya. 15 Ngunit nang nakita ng mga punong saserdote at ng mga eskriba ang mga kamangha-manghang bagay na ginawa niya at ang mga batang sumisigaw sa loob ng templo, na sinasabi, “Hosana sa Anak ni David!” sila ay lubhang nagalit. 16 Kaya sinabi nila kay Jesus, “Naririnig mo ba ang sinasabi ng mga ito?” At sinabi ni Jesus sa kanila, “Oo, hindi ba ninyo nabasa, ‘Mula sa bibig ng mga bata at ng mga sanggol na sumususo ay inihanda mo ang papuri’?” Awi 8:2 17 Kaya nang sila ay iniwan niya roon, siya ay lumabas sa lungsod patungo sa Betania at nagpalipas ng gabi roon. Matthew 217 At kinuha nila ang asno at ang bisiro, at ipinatong nila sa mga ito ang kanilang mga damit at siya ay iniupo nila sa mga ito. 8 At ang lubhang napakaraming tao ay naglatag ng kanilang mga damit sa daan. Ang iba naman ay pumutol ng mga sanga mula sa mga punongkahoy at inilatag sa daan. 9 At ang napakaraming tao na nauuna sa kaniya at ang mga sumusunod sa kaniya ay sumigaw na sinasabi, “Hosana sa Anak ni David! ‘Pinagpala siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon!’ Awi 118:25-26 Hosana sa kataas-taasan!” |