13 Kinaumagahan, tinawag niya ang kaniyang mga alagad at mula sa kanila ay pumili siya ng labindalawa na tinawag din niyang mga apostol:14 si Simon na pinangalanan din niyang Pedro, at si Andres na kaniyang kapatid, at sina Santiago at Juan, sina Felipe at Bartolome,15 si Mateo at si Tomas, si Santiago na anak ni Alfeo, at si Simon na tinatawag na Zelotes,16 si Judas na kapatid ni Santiago, at si Judas na taga-Keriot, na naging taksil.