Jeesus sanoi: ”Minä olen tie.” Hän kutsuu meidät kaikki kulkemaan hänen kanssaan tiellä pelastukseen. Hän seisoo ristinmuotoisella varjolla, joka on valmis ohjaamaan meitä jokapäiväisessä kävelyssämme hänen kanssaan.
1 “Huwag hayaang mabalisa ang inyong mga puso. Sumasampalataya kayo sa Diyos, sumampalataya rin kayo sa akin.2 Sa bahay ng aking Ama ay maraming tirahan. Kung hindi gayon ay sinabi ko sana sa inyo. Ako ay paroroon upang maghanda ng dako para sa inyo.3 Kapag ako ay makaparoon at makapaghanda ng dako para sa inyo, ako ay muling babalik. Kayo ay aking tatanggapin sa aking sarili upang kung saan ako naroroon ay dumuon din kayo.4 Kung saan ako pupunta ay alam ninyo at alam na ninyo ang daan.”5 Sinabi sa kaniya ni Tomas, “Panginoon, hindi namin alam kung saan ka pupunta. Paano namin malaman ang daan?”6 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ako ang Daan, ang Katotohanan at ang Buhay. Walang sinumang makakapunta sa Ama maliban sa pamamagitan ko.7 Kung ako ay kilala na ninyo, kilala na rin ninyo ang aking Ama. Mula ngayon ay kilala na ninyo siya at nakita na ninyo siya.”8 Sinabi ni Felipe sa kaniya, “Panginoon, ipakita mo sa amin ang Ama at sapat na iyon sa amin.”9 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Felipe, matagal nang panahon na ako ay kasama ninyo at hindi mo pa ako kilala? Ang sinumang nakakita na sa akin ay nakakita na sa Ama. Bakit mo sinasabi, ‘Ipakita mo sa amin ang Ama’?10 Hindi ka ba sumasampalataya na ako ay nasa Ama at ang Ama ay nasa akin? Ang mga salitang sinasabi ko sa inyo ay hindi ko sinasabi mula sa aking sarili. Ang Ama na nananahan sa akin, siya ang gumagawa ng mga gawain.11 Sumampalataya ka sa akin na ako ay nasa Ama at ang Ama ay nasa akin. Ngunit kung hindi, sumampalataya ka sa akin dahil sa aking mga gawa mismo.12 “Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, siya na sumasampalataya sa akin ay gagawa rin ng mga gawaing ginagawa ko. Higit sa mga ito ang gagawin niya sapagkat ako ay pupunta sa aking Ama.13 Anuman ang inyong hihilingin sa pangalan ko, iyon ay gagawin ko upang maluwalhati ang Ama sa pamamagitan ng Anak.14 Kung hihiling kayo ng anumang bagay sa aking pangalan, gagawin ko iyon.