41 Ngunit sinabi ni Pedro sa kaniya, “Panginoon, sinasabi mo ba ang talinghagang ito para sa amin o para rin sa lahat?”42 Subalit sinabi ng Panginoon, “Kung gayon sino ang matapat at matalinong tagapangasiwa na siyang pamamahalain ng kaniyang panginoon sa sambahayan niya upang bigyan ng pagkaing bahagi nila sa takdang panahon.43 Pinagpala ang aliping iyon, na sa pagdating ng kaniyang panginoon ay matatagpuang gumagawa nang gayon.44 Katotohanang sinasabi ko sa inyo na siya ay kaniyang pamamahalain sa lahat ng kaniyang mga tinatangkilik.