Viisaat miehet
| Secondary Keywords | buhay Jeesus Jeesus maaga matalino Miehet miehet Ministeriö pahimakas panganganak Uusi uusi uusi Vierailu vierailulla |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Matthew 2:1-8 |
Matthew 21 Nang ipinanganak si Jesus sa Bethlehem ng Judea sa kapanahunan ni haring Herodes, narito, may mga lalaking pantas na dumating sa Jerusalem mula sa silangan,2 na nagsasabi, “Saan naroroon ang ipinanganak na Hari ng mga Judio? Sapagkat nakita namin ang kaniyang bituin sa silangan at kami ay pumunta upang siya ay sambahin.”3 Ngunit nang narinig ito ni Haring Herodes, siya ay naligalig at ang buong Jerusalem na kasama niya.4 Kaya nang natipon niya ang lahat ng mga punong saserdote at mga eskriba ng bayan, nagtanong siya sa kanila kung saan isinisilang ang Cristo.5 At sinabi nila sa kaniya, “Sa Bethlehem ng Judea sapagkat ganito ang nasusulat sa pamamagitan ng propeta,6 ‘Ngunit ikaw, Bethlehem, lupain ng Juda, sa anumang paraan ay hindi ikaw ang pinakamaliit sa mga gobernador ng Juda dahil mula sa iyo ay lalabas ang pinuno na siyang mamamahala sa aking bayang Israel.’ ” Mik 5:27 Pagkatapos tawagin nang palihim ni Herodes ang mga pantas na lalaki, buong sikap niyang itinanong sa kanila kung anong oras ang pagpapakita ng bituin.8 At nang sila ay pinapunta niya sa Bethlehem at sinabi niya, “Pumaroon kayo at ipagtanong ninyo nang buong sikap ang patungkol sa bata. At kapag siya ay matagpuan ninyo, balitaan ninyo ako upang ako ay makapunta at sambahin din siya.” | |








