1 Sa simula ay naroroon na ang Salita, at ang Salita ay sumasa Diyos at ang Salita ay Diyos.2 Siya ay sumasa Diyos buhat nang simula.3 Ang lahat ng mga bagay ay nilikha sa pamamagitan niya, kung wala siya ay walang anumang nilikhang bagay ang nalikha.
John 1
14 Ang Salita ay nagkatawang-tao at nanahang kasama namin at namasdan namin ang kaniyang kaluwalhatian, ang kaluwalhatian ng bugtong na Anak ng Ama, na puspos ng biyaya at katotohanan.