Maailman viha
| Secondary Keywords | galit karamihan ng tao opetuslapset pag-uusig poot |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Juan 15:18-27 |
John 1518 “Kung kinamumuhian kayo ng sangkatauhan, alam ninyo na kinamuhian na ako nito bago pa man kayo.19 Kung kayo ay sa sanlibutan, mamahalin ng sanlibutan ang sariling kaniya. Subalit yamang kayo ay hindi sa sanlibutan, sa halip, kayo ay mga hinirang ko mula sa sanlibutan, kaya kinamumuhian kayo ng sangkatauhan.20 Alalahanin ninyo ang mga salitang sinabi ko sa inyo, ‘Ang alipin ay hindi higit kaysa sa kaniyang panginoon.’ Kung ako ay kanilang pinagmalupitan, pagmamalupitan din nila kayo. Kung tinupad nila ang aking salita, tutuparin din nila ang sa inyo.21 Gayunpaman, ang lahat ng mga bagay na ito ay gagawin nila sa inyo dahil sa pangalan ko sapagkat siya na nagsugo sa akin ay hindi nila kilala.22 Kung hindi ako pumarito at nagsalita sa kanila, hindi sana sila nagkaroon ng kasalanan. Ngunit ngayon ay wala na silang maikakatwiran patungkol sa kanilang kasalanan.23 Siya na namumuhi sa akin ay namumuhi rin sa aking Ama.24 Kung hindi ko ginawa sa kanila ang mga gawaing hindi ginawa ng sinuman, hindi sana sila nagkaroon ng kasalanan. Ngunit ngayon ay nakita nila ang mga gawain, kaya kinamuhian nila ako at ang aking Ama25 upang matupad ang salita na nasusulat sa kanilang Kautusan, ‘Kinamuhian nila ako ng walang dahilan.’ Awi 35:19; 69:426 “Ngunit kapag dumating ang Mang-aaliw, na aking susuguin sa inyo mula sa Ama, ang Espiritu ng katotohanan na magmumula sa Ama, siya ay magpapatotoo patungkol sa akin.27 Kayo rin ay nagpapatotoo sapagkat mula sa simula, kasama ko na kayo.” | |








