25 Kaya sinabi sa kaniya ng ibang mga alagad, “Nakita namin ang Panginoon.” Subalit sinabi niya sa kanila, “Maliban na makita ko ang bakas ng mga pako sa kaniyang mga kamay at maipasok ko ang aking daliri sa bakas ng mga pako at maipasok ko ang aking kamay sa butas ng kaniyang tagiliran, hinding-hindi ako maniniwala.”26 Pagkalipas ng walong araw, ang mga alagad ay nasa loob muli ng bahay at kasama nila si Tomas. Kahit nakapinid ang mga pinto, dumating si Jesus at tumayo sa kalagitnaan nila at sinabi, “Kapayapaan ang sumainyo.”27 Pagkatapos niyaon, sinabi niya kay Tomas, “Ilagay mo ang iyong daliri rito at pagmasdan mo ang aking mga kamay. Ilagay mo ang iyong kamay at ipasok mo sa butas ng aking tagiliran. Huwag kang maging walang pananampalataya, sa halip ay maging mananampalataya ka.”28 Sumagot si Tomas at sinabi sa kaniya, “Ang aking Panginoon at ang aking Diyos!”