| Avainsanat | mensahe ng tatlong anghel |
|---|---|
| Secondary Keywords | anghel Ilmoitus ipahayag ipahayag tatlong anghel tore |
| Mga Banal na Kasulatan | Revelation 14:7-11 |
Revelation 147 na sinasabi sa pamamagitan ng malakas na tinig, “Matakot kayo sa Diyos at luwalhatiin ninyo siya sapagkat dumating na ang oras ng kaniyang paghuhukom at sambahin ninyo siya, na siyang gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat at ng mga bukal ng mga tubig.”8 At may isa pang anghel ang sumunod na nagsasabi, “Bumagsak na siya, bumagsak na ang Babilonia, ang dakilang lungsod na iyon dahil ang lahat ng mga bansa ay kaniyang pinainom ng alak ng poot ng kaniyang pakikiapid.”9 At ang pangatlong anghel ay sumunod sa kanila na sa pamamagitan ng malakas na tinig ay sinasabi, “Kung ang sinuman ay sumasamba sa mabangis na hayop at sa kaniyang larawan at tinatanggap ang tatak sa kaniyang noo o sa kaniyang kamay,10 siya rin ay iinom mismo mula sa alak ng poot ng Diyos na ibinuhos na walang halo sa saro ng kaniyang poot, at siya ay pahihirapan sa pamamagitan ng apoy at ng asupre sa harapan ng mga banal na anghel at sa harapan ng Kordero.11 At ang usok ng kanilang paghihirap ay pumapaitaas magpakailan pa man at sila ay walang kapahingahan araw at gabi, sila na ang sinasamba ay ang mabangis na hayop at ang kaniyang larawan at ang sinumang tumatanggap ng tatak ng kaniyang pangalan.” | |