13 At kayo, na mga patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at sa hindi pagtutuli ng inyong laman, ay sama-samang binuhay na kasama niya nang ipinatawad sa inyo ang lahat ninyong mga pagsalangsang.14 Binura niya ang sulat-kamay sa mga batas na laban sa atin, na salungat sa atin, at inalis na niya ito sa kalagitnaan sa pamamagitan ng pagpako nito sa krus.15 Yamang kaniyang hinubaran ng kapangyarihan ang mga pamunuan at mga kapamahalaan, inilantad niya ang mga ito ng hayagan, sa pamamagitan nito ay nagtagumpay siya sa kanila.