Kolme Stewardsia
| Secondary Keywords | Jeesus Jeesus pahimakas tatlo Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Lucas 19:11-27 Matthew 25:14-30 |
Luke 1911 Habang pinapakinggan nila ang mga bagay na ito, idinagdag ni Jesus at sinabi ang isang talinghaga sapagkat malapit na siya sa Jerusalem at inaakala nila na ang paghahari ng Diyos ay mahahayag na kaagad.12 Kaya sinabi niya, “Ang isang lalaking maharlika ay pumunta sa malayong lupain upang tanggapin sa kaniyang sarili ang isang paghahari, at bumalik.13 At nang tinawag niya ang kaniyang sampung alipin, sila ay binigyan niya ng sampung mina° at sinabi sa kanila, ‘Maging abala kayo hanggang sa pagdating ko.’14 Ngunit ang kaniyang mga mamamayan ay namumuhi sa kaniya. At nagsugo sila sa kaniya ng isang kinatawan na nagsasabi, ‘Ayaw namin na ang lalaking ito ay maghari sa amin.’15 “At nangyari, na sa kaniyang pagbabalik nang natanggap niya ang paghahari ay nagsabi siya na tawagin papunta sa kaniya ang mga alipin na binigyan niya ng salapi upang malaman niya kung ano ang pinagkaabalahan ng bawat isa.16 At dumating ang una na sinasabi, ‘Panginoon, ang iyong mina ay kumita ng sampung mina.’17 Sinabi niya sa kaniya, ‘Magaling na alipin, mabuti ang iyong ginawa. Dahil naging matapat ka sa pinakamaliit, magkaroon ka ng kapamahalaan sa sampung lungsod.’18 Dumating din ang pangalawa na sinasabi, ‘Panginoon, ang iyong mina ay kumita ng limang mina.’19 At sinabi rin niya sa isang ito, ‘At ikaw ay maging gayon sa limang lungsod.’20 “Dumating naman ang isa na nagsasabi, ‘Panginoon, narito, nandito ang iyong mina na itinatago ko sa panyo21 sapagkat ako ay natatakot sa iyo dahil ikaw ay isang malupit na tao. Kinukuha mo ang hindi mo inilagay at inaani mo ang hindi mo inihasik.’22 Kaya sinabi niya sa kaniya, ‘Masamang alipin, hahatulan kita mula sa iyong bibig, alam mo na ako ay isang malupit na tao na kumukuha ng hindi ko inilagay at inaani ko ang hindi ko inihasik,23 bakit hindi mo inilagak sa bangko ang aking salapi at sa pagdating ko ay makuha ko ito kasama ang anumang tinubo nito?’24 “At sa kanila na nakatayo ay kaniyang sinabi, ‘Kunin ninyo sa kaniya ang mina at ibigay ninyo ito sa kaniya na may sampung mina.’25 (Sinabi nila sa kaniya, ‘Panginoon, siya ay mayroon ng sampung mina.’)26 ‘Sapagkat sinasabi ko sa inyo na sa bawat isang mayroon ay bibigyan at sa kaniya na wala, kahit ang nasa kaniya ay kukunin mula sa kaniya.27 Subalit sila na aking mga kaaway na ayaw akong maghari sa kanila ay dalhin ninyo rito at patayin ninyo sila sa aking harapan.’ ” Matthew 2514 “Ito ay katulad din ng isang lalaki na yamang siya ay naglalakbay patungo sa malayong lugar, tinawag niya ang kaniyang mga alipin at ipinagkatiwala sa kanila ang kaniyang mga ari-arian.15 Ibinigay niya sa isa ang limang talento°, at sa isa ay dalawang talento at sa isa ay isang talento ayon sa kakayahan ng bawat isa. At kaagad siyang naglakbay patungo sa malayong lugar.16 Siya na tumanggap ng limang talento ay umalis at ikinalakal niya ang mga ito at tumubo ng lima pang talento.17 Gayundin yaong may dalawa, siya rin ay tumubo ng dalawa pa.18 Ngunit siya na tumanggap ng isa ay umalis at naghukay sa lupa at itinago ang salapi ng kaniyang panginoon.19 At pagkatapos ng mahabang panahon, ang panginoon ng mga aliping iyon ay dumating at sila ay nagbigay-sulit sa kaniya.20 “At nang lumapit yaong nakatanggap ng limang talento, dinala niya ang lima pang talento, na sinasabi, ‘Panginoon, ipinagkatiwala mo sa akin ang limang talento. Narito, ako ay tumubo ng lima pang talento.’21 At sinabi ng kaniyang panginoon sa kaniya, ‘Mahusay, aliping mabuti at matapat! Ikaw ay naging matapat sa kakaunting bagay, pamamahalain kita sa maraming mga bagay. Pumasok ka sa kagalakan ng iyong panginoon.’22 At lumapit din yaong tumanggap ng dalawang talento, na sinasabi, ‘Panginoon, ipinagkatiwala mo sa akin ang dalawang talento. Narito, ako ay tumubo ng dalawa pang talento.’23 At sinabi ng kaniyang panginoon sa kaniya, ‘Mahusay, aliping mabuti at matapat! Ikaw ay naging matapat sa kakaunting bagay, pamamahalain kita sa maraming mga bagay. Pumasok ka sa kagalakan ng iyong panginoon.’24 “At lumapit din yaong tumanggap ng isang talento at sinabi, ‘Panginoon, alam ko na ikaw ay isang malupit na tao na umaani sa hindi mo inihasik at nag-iipon sa hindi mo ikinalat.25 At dahil sa takot, ako ay umalis at itinago sa lupa ang iyong talento. Narito, kunin mo ang sa iyo.’26 “Ngunit sumagot ang kaniyang panginoon at sinabi sa kaniya, ‘Aliping masama at tamad! Alam mo na ako ay umaani sa hindi ko hinasikan at nag-iipon sa hindi ko kinalatan.27 Dapat nga ay dinala mo ang aking salapi sa mga mamamalit-salapi at sa aking pagdating ay tatanggapin ko ang anumang sa akin na may tubo.28 Kunin nga sa kaniya ang talento at ibigay sa kaniya na may sampung talento.29 “ ‘Sapagkat ang bawat isang nagtataglay ay mabibigyan at siya ay mananagana. Ngunit siya na hindi nagtataglay, maging ang kaniyang tinataglay ay kukunin mula sa kaniya.30 At ang walang pakinabang na alipin ay itapon ninyo sa kadiliman na nasa labas. Doon ay magkakaroon ng pananangis at pagngangalit ng mga ngipin.’ | |








